Chapter 10.5: Hansun POV

72 3 0
                                    

February 12: Family Day

Mukhang mapupuno ngayong araw na to ang Nobelium University. Alas otso palang kasi ng umaga, puno na ng sasakyan ang Parking Lot. At pagsapit naman ng alas nuebe, ay stampede na ang bawat koridor. Kahit sabihin nating malawak ang aming paaralan, iba pa rin kapag parents ang nagsidatingan. Buong angkan ata dinala. Mga payabangan din ang trip ng mga to eh! Kung yung iba dinadaam sa pormang pang-abroad. Yung iba naman ay binitbit pa ang kani-kanilang Butlers at Maid. Wala tayong magagawa diyan, elite ang mga students dito eh.

"Applepie. Tulungan na kita."

Sabay kuha ko ng bitbit niyang styrofoam. Mukhang paglalagyan to ng mga pagkain ng mga estudyante.

"Asan pala yung parents mo Sun?"

Nahinto naman ako sa aking paglalakad.

"May problema ba, Sun?"

Pilit naman akong ngumiti sakanya.

"Hindi sila makakarating, Star. Busy sa pagpapayaman."

Tumango lang ito. Alam niyang ayaw kong pag-usapan ang topic na iyon. At mas lalong ayokong makaramdam ng awa galing sakanya.

Pagsapit ng hapon ay cooperative kaming sumama sa mga games and events ni Star.

"SUNNNYYYYY!!!!"

Nahinto naman ako sa pagliligpit ng gamit dito sa Auditorium. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganung pangalan. Gulat akong napaharap dito na sinalubong naman niya ng mahigpit na yakap.

"Hey! Cousin! Remember me?"

Masiglang bati nito.

"Brooke?! Anong ginagawa mo dito? Ang akala ko nasa States ka?"

"Masama bang bisitahin kayo ni Lola?"

Alam kong hindi lang yun ang rason niya.

"Yun lang ba talaga ang ipinunta mo dito?"

Nagkibit balikat lang ito.

"Hansun? Brooke? Magkakilala kayo?!"

Nakalimutan kong nasa tabi ko pala si Star.

"Starlene! It's good to see you!"

Sabay beso nito ki Star.

"Magkakilala rin kayo?"

Nakakunot kong tanong sakanila.

"I met her in States, couz. Exchange students si Star doon."

Akalain mo yun.

"Small world, isn't it?"

Sarkastikong sabi sakanila.

"Anyways, sinurpresa lang naman kita Sunny! Ayoko namang sa araw ng Family day, eh feeling mo nag-iisa ka."

I just rolled my eyes.

"Hahah! Ang cute mo pag-ginagawa mo yan! Osya, Kita nalang tayo sa house. Bye, Starlene. See you when I see you."

Kaway nito paalis.

"Magpinsan pala kayo. Hindi halata. Ang pretty kaya ni Brooke."

Pigil na tawa ni Star.

"So, sinasabi mong pangit ako?"

Nagulat nalang kami sa istorbong tunog ng cellphone niya.

"Hello Tita? Po? Si MOON? Nasa Hospital?!"

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon