Chapter 15.5: Moon POV

70 2 2
                                    

Sa wakas sa araw na to tapos na ang pasakit at paghihirap namin bilang estudyante. Natapos na ang mga dapat tapusin gaya ng Requirements sa iba't-ibang subject at kung ano ano pa. Masaya ako at gagraduate kami na may ngiti sa aming labi. At kasama ang mga mahal namin sa buhay.

Matapos ang mahabang seremonya at ang pagbibigay ng medals, awards at diploma ay nagyakapan nga kami ni Star. Ang Bestfriend ko simula highschool at maging hanggang ngayong ay parehong may Bachelor Degree na.

"O tama na yan, uso makishare." Siksik nitong si Hansun sa amin.

Napagusapan rin naman na sabay kaming magcelebrate sa iisang Hotel.

"Congratulations Anak. I'm so proud of you."

Yakap sakin ni Mama.

Kasama rin niya yung Stepdad ko na nagsuggest na mag-apply ako sa company nila. Nakita ko rin si Star na kayakap ang Mama niya at si Benj. Ito nga talaga yung tinatawag nilang masayang pagtatapos.

@Radon Hotel

"Oy! Anong isda ang ginagamit pansulat?"

Untag ni Hansun habang inuubos ko ang Salmon Satay ko.

"Edi Ballfish!" (Ballpen)

Sagot ni Star sabay tawa ng malakas. Masasabi kong ngayong mga nakaraang araw ay may iba sa ngiti ni Bestfriend.

"Uh.Uh.Your wrong Applepie! It's DolPEN." (Dolphin)

Wika ni Hansun sabay tawa sa sarili niyang joke. Weirdo.

"Kahit kailan talaga ang corny mo."

Sambit ko sakanya.

"Kahit kailan talaga ang pangit mo."

Aba!

"Kailan ba matatapos yang Lovers Quarrel niyong dalawa ha?"

Pag-aawat samin ni Star.

"Kapag nawala na siya sa mundo."

Chorus namin ni Hansun. Gaya-gaya talaga!

"Bahala nga kayo sa buhay niyo."

Sabay walk-out nito at dumiretso sa banyo.

"Ayan tuloy iniwan tayo ni Applepie, kasalanan mo yan eh!"

Ang childish talaga ng lalaking to! Ang sarap isako tapos palutangin sa Pasig River.

"Hansun, Moon! Andito rin pala kayo."

Sabay naman kaming napalingon sa babaeng tumawag sa aming pangalan.

"Huwag kayong mag-alala. Hindi ko kasama si Van at Brooke..."

Maya maya ay bumalik na nga si Star.

"Graduation Gift ko nga pala sainyong dalawa, Star and Moon."

Abot ni Amelie ng regalo.

"Let's just say remembrance ko na rin to sainyo."

Nagpasalamat nga kami sakanya. Maya maya rin ay nagpaalam na siyang umalis. May date pa daw kasi siyang kailangan puntahan.

"Dali buksan niyo na!"

Excited na sabi ni Hansun.

"Regalo mo? Regalo mo?"

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon