Chapter 8.5: Moon POV

73 4 0
                                    

"Hey. Yes. Nah. Yeah. Thanks."

Ilan lang ito sa mga salitang paulit ulit naming sinasabi tuwing may kausap kami dito sa States. Dapat pala isang balde at planggana ang dinala kong English!

"Grabe Star! Napakalaking opportunity talaga ang maging exchange student dito sa States. Hindi na nga ako makapaghintay para bukas eh! Teka nga Bestfriend, may masakit ba sayo?"

Napansin ko kasing kanina pa ito matamlay mula pa sa biyahe.

"Gutom lang siguro to. Tara kumain na tayo."

Buti nalang kamo libre pamasahe at ang allowance namin dito.

"Star, mamaya na pala ang tour natin with Prof."

Aba. Deadma parin? Hindi kaya!

"WAAAAAH! NAHIWALAY BA ANG KATAWAN AT KALULUWA MO SA BIYAHE? BAKIT HINDI MO AGAD SINABI EDI SANA PINAHINTO NA MUNA NATIN YUNG EROPLA----"

Binatukan naman niya ko. Kahit kailan talaga ang sarap nitong pugutan ng kamay!

"Di ko malaman kung paano ka napasama dito, matalino ka naman pero bakit ganyan ka mag-isip?"

"Ang sakit mo naman magsalita. Tagos hanggang sternum!"

Umiling lang ito.

"Sabihin mo nga sakin. Ano ba kasi yang problema mo, at kanina ka pa lutang na lutang?"

"Kailan pa lumutang ang tao?"

Bakit ba ang lakas niyang magbara ngayon?!

"On the 8th day that God created the earth."

Pilosopo kong sagot na kanya lamang na inirapan.

"Sabihin mo na kasi. Hindi ako sanay na ganyan ka!"

Sabay yugyug ko sakanya. Baka kako matauhan.

"Salamat sa concern Moon. Pero pwede ba gusto ko lang mapag-isa....Kahit ngayon lang."

Ang emo talaga!

"Ano pang silbi ng pagiging bestfriend ko kung hahayaan kitang mag-isa?!"

Napailing na lang ito.

"Bakit ba naging bestfriend kita? Ang kulit mo rin eh!"

Sabay gulo niya ng buhok ko.

"Cause this is me, I'm exactly where I supposed to be now. Gonna let the light shin----."

ARAY KO NAMAN!

"Kelan kapa naging fan ni Demi?"

"At kailan ka pa naging fan ni Manny Pacquiao?"

"HA.HA.HA! Ang korny mo."

Sabay pinch nito sa ilong ko.

"Nacucutean kana niyan sakin no? Type mo na siguro ako, ano? Ayeee! Aminin! Lucky your inlove with your bestfriend, Lucky to have you--------ARAY!"

"Jason Mraz naman ngayon? Try mo kayang Wrecking Ball. Bagay sayo yun!"

Sasagot pa sana ako ng biglang pumasok si Prof. sa kwarto.

"Be ready in 10 minutes. We will start the tour."

Taray makaenglish ni Sir? Ilan kayang tabo ang dala nitong English? Makishare nga mamaya.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon