Chapter 6.5: Van POV

76 4 0
                                    

Ilang oras na ko ditong nakatitig sa Violin. Wala naman akong  mood tugtugin siya. Ang dami kong iniisip. Feeling ko nga sasabog na ang utak ko. Hindi ko naman sinasadyang mahulog at mapalapit ng ganun ki Star. Akala ko okay lang na makilala ko siya ang kaso hindi na kaya ng sarili kong tigilan ito. Araw araw gabi gabi siya lagi ang iniisip at gusto kong makasama. Pero ang nangyayari ngayon, naguumpisa na ko sa hakbang upang mapalayo na sakanya. Masakit man sabihin, pero tama nga sila itong makakabuti para samin.

"Van? Okay kalang? Gusto mo bang magpatingin sa hospital? Maghapon kana kasing nakakulong dito sa kwarto eh. Wala kabang balak gawin ngayong araw? Bakit kaya hindi mo ko tulungan magluto ng Noche Buena para mamaya?''

Sabay upo nito sa tabi ko.

"Ang hirap pala Amelie. Ang hirap iwan at pakawalan ang taong mahal mo.''

Mangiyak nyiyak kong sabi.

"Napakaunfair naman. Hindi ba pwedeng mabuhay nalang ako at makasama habambuhay ang babaeng mahal ko? Bakit kailangan pang mangyari ang mga bagay na to sakin. ''

Unti unting bumuhos nga ang mga luhang inipon ko ng ilang buwan. Hindi na sumagot si Amelie at yinakap nalang ako. 

5 hours later....

Hindu! Hindi ko kaya.

Pwede bang kahit ngayon lang happiness ko lang ang isipin ko?

Dali dali ko ngang kinuha ang phone ko at tinawagan ito.

Hello Sweetheart!!!!-

Masiglang bati niya sa kabilang linya. Mamimiss ko to.

"Magbihis ka may pupuntahan tayo. ''

*end of call*

Ang hirap. Pero sa ngayon gusto ko lang sulitin ang araw na meron kami ni Star kesa magmukmuk ako  sa kwarto.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon