Chapter 15.5: VAN POV

76 3 0
                                    

A/N: Nangyari po ang event na to after 2 days ng Pre-Graduation Party nila Star. Kaya missing in action si Van nung Graduation nila. Last chapter na po ito, at isusunod ko nalang ang Epilogue! Abangan niyo nalang po. Maraming Salamat! :)

"Sigurado ka na ba dito Van?"

Aniya ni Amelie na kanina pa ko pinagmamasdan sa pagliligpit ko ng gamit. E kung ipasok ko nalang kaya siya sa loob nitong maleta! Atleast dun hindi siya makakapagingay.

"Bakit Van? Bakit kailangang mangyari pa to?"

Binitiwan ko nga ang hawak kong jacket at saka siya inakbayan.

"Alam mo Amelie, darating ang panahon na iiwan mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo, kapalit ang mga bagay na mas nakakabuti para sayo...At yun nga ang ginagawa ko ngayon. Nakikita mo naman diba?"

Pagpapaliwanag ko sakanya. Ewan ko lang kung magets niya!

"Ganyan ka naman e, madali lang para sayong umalis at iwanan ang mga taong malapit at nagmamahal sayo. Diyan ka naman magaling diba? Namaster mo na nga ata ang salitang 'Walk Away'!"

Daig pa ata nito si Nora Aunor, Maricel Soriano, at Vilma Santos sa kadramahan niya!

"Kung makapagsalita ka naman parang outerspace ang pupuntahan namin. Bakit Amelie-girl miss mo na ba kaagad ang handsome and sizzling hot and yummy brother mo? Sabihin mo lang para maiwanan kita ng remembrance. Ilang picture ba ang gutso mo? Anong size ba? May 2 by 2 ako dito."

Inirapan lang ako nito atsaka tinalikuran. Mga babae nga naman, aamin nalang nahihiya pa!

"Jas! I'm ready. Let's go na?"

*****

Quarter to 6 ng umaga ng makarating kami dito sa Pent House ni Daddy sa Tagaytay. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang dalhin at ipasyal si Brooke. Siguro dahil puro happy memories ang mayroon ako dito.

Nasa Veranda pala kami ngayon at pinagmamasdan ang paligid sa ibaba. Nasa pinakarurok na kasi kami ng bundok dito. Nakakaamaze nga na kitang kita mo ang buong itsura ng Tagaytay dito banda sa amin. Ang mayayabong nitong puno't halaman, at ang fresh na fresh na hangin mayroon ang lugar na ito.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain?"

Tanong ko sakanya na nakasandal sa may bandang balikat ko.

"Nah! I rather stay by your side..."

Sabay palupot nito ng dalawa niyang kamay sa bisig ko.

"Brooke, you need to eat. Nangangayayat kana."

Lumayo naman siya sa akin at saka nagpout.

"Kaya mo ba ko yinayang magbakasyon ay para ibalik ang dati kong sigla? Yun ba ang dahilan, Jas?"

Paano kung sabihin kung oo?

"I thought you chose to be with me..."

Saad pa niya habang nakayuko.

"Maybe my conclusion was wrong and maybe yung nabasa kong quote na sinend sakin ni Hansun ay totoo..."

Napakunot naman ako ng noo sa mga sinasabi niya.

"Some people are going to love you no matter what you do. And some people will never love you no matter what you do. Am I right, Jas?"

Magsasalita na sana ako ng tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Ilang oras din bago ako pumasok sa loob. I really feel pity for her.

Eksaktong pagpasok ko ng makita ko siyang taimtim na natutulog sa may sofa. Linapitan ko nga ito at hinaplos ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa maganda niyang mukha. Napadako naman ang mata ko sa hawak nito. Dahan dahan ko nga itong kinuha sa kamay niya at tiningnan. Litrato ito ng boyfriend niyang nakangiting nakahiga sa kama probably sa Hospital ito ng States kinunan. Siya naman ay nakatayo sa gilid nito at magkaholding hands ang mga kamay nila.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon