Chapter 14.5: STAR POV

55 2 0
                                    

"Ang ganda mo Ate!"

Paulit ulit na sabi ni Benj habang inaayusan ako ni Mama. Ang kulit nga lang kasi dapat daw ako ang pinakamaganda mamaya. Eh parang imposible naman ata yun! Sa dinamirami ba naman ng mga Graduating students sa Nobelium mapapansin pa ko?

"So sinasabi mong pangit ako? Ganun?"

Pameywang ko sakanya.

"Hindi ah! Nagpapakita lang ito na tunay ngang nag-eevolve ang tao."

Sasapakin ko sana to ng may kumatok sa baba. Quarter to 9 na rin naman. Baka nandyan na si Moon. Bumaba na nga ako at iniharap ito.

"Starlene Jamaica Bismuth ikaw ba yan?"

Ano bang problema ng mga tao ngayon?

"Grabe ha nakakaoffend kayo. Parang ngayon lang talaga ako gumanda. Hmp!"

Tiningnan ko naman mula ulo hanggang paa si Moon bagay rin naman sakanya ang suot niya.

"Damn! You look different Applepie!"

Saad ni Hansun na kapapasok lang rin sa bahay. Ang lakas talaga makapambola ng dalawang to!

"Magsitigil nga kayo! Wala akong piso!"

Nagtawanan lang ang dalawa. Nagpaalam na nga kami kila Mama at sumakay na sa dalang Limousine ni Hansun. Yaman naman talaga ng lalaking to.

"Hindi ba masyadong OA tong suot ko?"

"Ano kaba Applepie! Tama nga lang yan kumpara sa mga makikita mong kasuotan mamaya."

Napatango nalang ako. After 3 minutes ay nakarating na nga kami sa Bahay nila Mesmer. Tinungo nga namin ang Garden kung saan gagawing Venue. Nagsidatingan na rin ang mga co-Graduates ko. Tama nga si Hansun, sapat lang ang kasuotan ko sakanila. Biruin mo ba naman karamihan na ata ng mga tao dito ay ay nakarevealing clothes. Nahiya naman ako sa cocktail dress ko na tube.

Sinimulan ang party sa pagbibigay ng greeting remarks ni Mesmer. Sumunod rin ang kainan na inaabangan ng lahat at ang sayawan. Medyo di ako pamilyar sa mga taong nandidito. Sa laki at lawak ba naman ng Nobelium mapuntahan mo pa kaya ang kani-kanilang Department? Kulang siguro ang isang araw bago mo mapuntahan ang lahat.

"Tara bottoms up!"

Inabutan nga ako ni Hansun ng Pineapple Juice. Sinabi ko kasi sakanyang hindi ako umiinom. Nagulat nalang ako ng tanggapin ni Moon ang binigay nitong Beer.

"Minsan lang to kaya sulitin na!"

Natawa nalang ako sa itsura nito matapos niyang mainom ang Beer.

Sigurado ako pagkatapos ng party ay magiging close ang dalawa to. Tatlong oras ba naman silang umiinom. Inilibot ko naman ang paningin ko sa Dance floor. Punong puno na ito ng mga estudyanteng nagsesexy dance.

"Look who's here..."

Napalingon naman ako sa taong pinangagalingan ng boses. Napansin ko naman ang paghigpit ng kapit nito sa braso ni Van.

"Brooke, tara na. Huwag kang gumawa ng gulo dito."

Alalay sakanya ni Van. Mukhang lasing na rin ang isang to.

"Ang KJ mo naman Jas! Ni hindi pa nga ako nag-uumpisa. Kalma lang. Anyways, you know Star, tanggapin mo na lang na kahit kailan hindi niyo na maibabalik ang dating KAYO. Wala na. Tapos na. He's mine now so back off little bitch!"

Sambit nito na halos amoy ko na ang ininum nitong Alcohol.

"Brooke tara na! Ano ba!"

Hila sakanya ni Van sa Dance Floor. Akala ko pa ngayong gabi'y mag-eenjoy ako. Mukhang nagkamali ata ako sa pagpunta ko dito. Sirang sira na ang gabi ko.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon