Chapter 13.5: VAN POV

59 3 0
                                    

"Anong karapatan mo para gawin yun sakanya?!"

Unang katagang lumabas sa bibig ko pagkapasok namin ni Brooke sa kotse. Hindi ko hahayaang palampasin ang ginawa niyang pananampal sa babaeng mahal ko. Kung hindi ko lang siya kilala o kahit wala akong utang na loob sakanya marahil ay hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin.

"Jas mang-aagaw ang Starlene na yun!"

Sambit nito na halos umuusok na ang galit sa ilong.

"Brooke, hindi siya mang-aagaw."

Mahinahong wika ko. Ayokong mapahaba ang pagsasagutan namin. Ayokong mag-away kami. She's so good to be hurt.

"Enough Jas! Kitang kita ng dalawa kong mata ang nangyari kanina. Kaya please lang huwag mong pagtakpan ang malanding babae na yun!"

Okay that's it!

"Hindi malandi si Star! Si Star ang nauna kesa sayo, Brooke. Mas nauna ko siyang nakilala. Mas nauna at huli ko siyang mamahalin..."

Nahinto ako ng mapansin ko ang pagkagat niya sa kanyang labi na nangangahulugan na anytime ay iiyak na.

"Brooke, kahit kailan hindi ko mapapantayan si Jas sa puso mo. Hindi ko maibibigay ang pagmamahal na ibinigay niya sayo. Kaya I'm begging you, palayain mo na ko. Kung kailangan ibalik ko ang puso ni Jas ay gagawin ko, hayaan mo lang kaming maging masaya. Hayaan mo lang kaming magmahalan..."

Sa halip na sagutin niya ako ay pinikit nalang niya ang kanyang mga mata.

"We're both tired Brooke, Iuuwi na kita sainyo."

Pasadong tanghali ng makarating kami sa bahay nila Hansun. Inalalayan ko siya papasok sa kwarto niya. Hinintay ko munang makatulog ito bago ko siya iwanan.

"Ako ng bahala sakanya, umuwi kana."

Napalingon naman ako sa pinangagalingan ng boses. Tumayo na nga ako at naglakad palabas ng kwarto.

"Nakapag-usap na ba kayo ni Star?"

Parang bato naman akong nahinto sa aking kinatatayuan.

"Oo, nakapagpaliwanag na ko."

Pag-aaalangan kong sabi.

"Sapat na nga ba ang paliwanag para magkaayos kayo?"

Naglakad naman ito papuntang kusina.

"Ano pa bang dapat kong gawin Hansun? Kung lahat ay ginawa ko na pero kulang pa din."

Kumuha ito ng dalawang T-Ice sa Ref at iniabot sa akin ang isa. Marahan ko naman itong kinuha at ininom.

"Maybe Van, It's not always about trying to fix something broken. Maybe it's about starting over and creating something better."

Starting over? Parang narinig ko na yun sa movie nila Toni at Papa P. Na ang ending ay hindi nagkatuluyan ang dalawa. Nagkaroon sila nung tinatawag na Closure na ayaw ko namang mangyari sa amin ni Star. Ayokong humantong sa paraan na yun.

"Mahal pa ba niya ko?"

Out of the blue kong tanong.

"Ako ba ang dapat sumagot niyan?"

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon