Chapter 3.5: Van POV

86 4 0
                                    

May nasabi kaya akong hindi niya nagustuhan kaya ayaw niya sakin magpahatid?

Don't tell me ito ang una naming Lover's Quarrel. Ang babaw naman ata kung ganun. Nakauwi na kaya siya? Matawagan nga.

Calling Sweetheart...

-Hello?-

Mukhang nakauwi na nga siya sakanila. Buti naman kung ganun.

"Matutulog ka na ba?"

Baka mamaya nakakaistorbo pala ako sakanya.

-Hindi pa naman. Kakahiga ko lang sa kama. Napatawag ka?-

"Namiss kasi kita kaagad. Hehe. Ang sweet ko ba?"

-Hindi ang clingy mo.-

Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya. Her voice was really one of my favorite sound. May ganun? Haha.

"Hmm, Star okay naman tayo diba?"

Napahikab naman siya sa tanong ko.

-Oo okay naman tayo. Bakit mo naman natanong yan?-

Bakit nga ba? Dahil feeling ko ang lungkot ng paghihiwalay namin kanina?

"Wala naman. Masyado lang siguro akong nag-iisip. Hehe."

Inayos ko nga ang pagkakahiga ko sa kama.

"Tss, nga pala nakalimutan kong magpasalamat sayo. Salamat sa dinner kanina ha."

Napangiti naman ako ng maalala yung dinner date namin. Sana masundan pa yun.

"It's my pleasure, Sweetheart."

-Hindi ka pa ba inaantok?-

"Marinig ko nga lang boses mo, nabubuhayan na ko."

-Ayan nanaman ang mga pampakilig na pick up lines mo.-

Tatawang sabi nito.

"Kinikilig ka pala. He he. Kala ko ako lang nakakaramdam nun."

-Ewan ko nga sayo. Hmm, may sasabihin ka pa ba bago ko ibaba tong tawag mo?-

Mukhang gusto na ata niyang matulog. Too bad gusto ko pa siyang makausap.

"Sweetheart, sa tingin mo ba may pagasa ako sayo?"

Ilang segundo din ang katahimikan bago niya sagutin ang tanong ko.

"Hindi pa ba sapat ang binigay kong chance para masabi ko sayong may pag-asa ka?"

Tatawang napailing naman ako sa naging sagot niya.

"Ibang klase karin palang magpakilig. Nagbublush tuloy ako."

-Osya, mas mabuti pa matulog na tayo. Maaga pa kasi pasok ko bukas.-

"Okay Sweetheart. Good night. Dream of me, okay?"

-Okay.-

And the call went dead. Mala-The Fault in Our Stars lang ang peg ng palitan namin ng Okay ha.

****

"Good morning my Beautiful Sweetheart!"

Bati ko kay Star at kinuha ang mga dala nitong gamit.

"Huwag mong sabihing hinintay mo pa talaga ako bago ka pumasok ng gate?"

Nakangiting nakatango lang ako sakanya. Almost dalawang oras ko siyang inabangan dito sa labas ng University gate. Hindi ko naman kasi alam kung anong oras ang pasok niya. Basta nagpasigurado akong 6am, yun nga lang 8 am pala ang first period nila.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon