Chapter 4.5:Moon POV

84 3 0
                                    

Dahil sa Van na yan, unti unting nasisira ang friendship namin ni Star. Ewan ko ba, nakakainis talaga ang pagmumukha nun! Magsama sila ng kapatid niya! Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako kabitter sakanila, dapat nga matuwa pa ko dahil sa mga susunod na araw ay maaring magkakaboyfriend na ang bestfriend ko. Magiging masaya na siya sa piling ng iba.

"Anak. Naagawan ka ba ng kendi at ganyan ang itsura mo?''

Pabirong sabi ni Mama.

"Hindi ho. Naagawan ng bestfriend pwede pa!''

"Bakit? May nangyari ba sanyong hindi maganda ni Star?''

"Nakakainis kasi yung manliligaw niya eh! Lahat nalang ng oras, araw, gabi laging nalang nakatutok sakanya!''

"Naiinis ka ba talaga o nagseselos?''

"Selos? No way!"

"Denay ka pa dyan. Halatang halata naman sa itsura mo na nagseselos ka.''

"Po?''

"Anak, natural na magpaligaw ang bestfriend mo kasi babae siya, bakit ikaw ba pinigilan ka niyang manligaw kahit kani kanino? Hindi ba naging masaya nalang siya at sinuportahan ka, bakit ikaw mismo hindi mo yun magawa sakanya? Moon, dumating na ang oras para magmahal si Star, hindi bilang bestfriend kundi bilang girlfriend.''

"Tingin niyo ba Mama pinipigilan ko ang kasiyahan niya?''

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?''

"Hindi ko na nga rin po alam eh. Siguro nga po tama kayo. Hindi ko dapat pinapakialamn ang buhay pagibig ng Bestfriend ko, dapat kong hayaang sumaya siya sa piling ng iba."

Kinaumagahan. Inabangan ko na kaagad si Star sa gate nila. Gusto ko ng maayos tong problema namin habang maaga pa.''

"Star!''

"Moon?''

"Peace offering..."

Abot ko sakanya ng tupperware na may iba't ibang flavor ng Siomai.

"Salamat.''

"Ahm Star, sorry pala sa kahapon ha. Nadala lang ako ng emosyon ko.''

"Sus! Wala yun. Bati na rin naman tayo diba?''

Tumango nalang ako.

"Sige moon. Salamat dito sa Siomai. Una na ko.''

"Sandali Star.''

"May sasabihin ka pa ba?''

"Kung saan ka masaya, susuportahan kita.''

"Salamat Moon ha. Napakaswerte ko talaga sayo.''

"So, pwede bang sumabay ako sayo?''

"Oo naman. Hindi ko naman pagmamay ari ang daan.''

Bago kami makarating sa room ay biglang napahinto si Star sa may ng Music Room. Sino kaya ang sinisilip nito?

"Ang galing pala niyang magviolin.''

Kitang kita naman sa mata nito na hangang hanga siya ki Van.

"Star. Tara na at baka malate pa tayo.''

"Sandali lang Moon.''

"May balak ka bang tapusin yung tugtug niya?''

"Kung gusto mo mauna, okay lang. Susunod nalang ako.''

"Bilisan mo lang ha."

At tuluyan ko na nga siyang iniwan. Ang lakas na ata ng tama ng bestfriend ko sa Van na yun ha.

"Moon.''

"Amelie?''

"Pwede ba tayong mag-usap?''

"May dapat ba tayong pag-usapan?''

"Moon. Please.''

"Amelie, pwede ba. Wag ngayon. Malelate na ko sa klase. Bye.''

Anong problema nun? Bat gusto niya akong kausapin? Akala niya ba mapapatawad ko siya sa ginawa niya. Eh mas pogi naman ako dun sa pinalit niya. Pati taste ng tao sumasabay sa climate change.

Clown of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon