ASHA POV
Lumipas ang buwan mula nang nakita ko si Chadd sa mall, isa ng beses lang nangyari yon pero di na naulit pa.
Nakakasiguro akong siya yon kahit na laging sinasabi sakin ni Ace na baka namalikmata lang ako . Hindi ako pweding magkamali dahil kahit sa maikling panahon lang kaming magkakakila at magkasama ay kabisado ko na ang galaw at hitsura nya.Palaisipan pa rin sa akin yong kasama nyang babae. Sweet silang dalawa at mukhang may something pero baka pinsan lang nya yon. Masakit man isipin ay pinaniwala ko ang sarili kong ganoon nga lang sila.
Pagkatapos ng ilang beses kong pabalik-balik sa mall para hanapin sya at pag ba baka sakaling makita sya ay tumigil na rin ako. Alam kong pinapahirapan at pinaasa ko lang ang sarili ko.
Napagod na rin akong magbakasakali pa na makita sya.
Nakakapapagod narin akong maghintay na babalik sya.
Kasi kong talagang may balak pa syang balikan ako ay matagal na nya iyong ginawa.Hindi na siguro ako maghihintay pa ng ganito katagal.
Tanggap ko na sa sarili ko na kinalimutan na nya ako.Mahirap kasing hanapin ang taong ayaw magpahanap lalung-lalo na yong nasa malapit lang at halos abot-kamay mo na pero kahit anong gawin mo ay hindi mo pa din makikita dahil sila mismo ang gumawa ng dahilan para hindi sila mahanap.
Minsan sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ako nagpakatanga sa kanya.
Nagmahal lang ako pero ang malas kolang siguro dahil doon sa taong di ko alam kung nagpakatotoo nga ba sya sa akin at ang masaklap ay baka niloloko lang pala nya ako at pagkatapos nya sigurong makuha ang gusto nya sa akin ay nawala nalang syang parang bula.Sa kabila ng ginawa nya, inaamin ko lang na pinaasa ko ang sarili ko na babalik sya. Pero wala, walang kinahihinatnan ang paghihintay ko.
Tinanggap ko na sa sarili ko na wala na si Chadd sa buhay ko at sa buhay ng anak ko. Ipofucos ko nalang ang sarili at atensyon ko sa magiging anak ko. .Nagpapasalamat parin ako sa panginoon na sa kabila ng nangyari sa akin ay ibinagay nya sa akin si Ace na laging nandyan para samin ng anak ko. Nagkulang man si Chadd sa amin ay pinaramdam naman ni Ace samin ang pagmamahal at pag-aalaga na sana si Chadd dapat ang gagawa .
Minsan nagtampo pa ako sa kanya dahil hindi nya inamin sakin noon ang totoong estado nya sa buhay. Nalaman ko lang kay Manang Linda pero alam kong wala akong karapatan sa kahit anong meron sya dahil kasal lang kami sa papel o tamang tawag nagpapanggap lang naman kami .
Hanga nga ako sa kanya na nagawa nyang isakripisyo ang kinabukasan nya para sa amin ng anak ko.
Sinakripisyo niya ang pagiging binata nya.
Nagi-guilty tuloy ako na dahil sa akin hindi na nya naenjoy ang pagiging binata nya.
Nagkaroon agad sya ng mga pasanin sa buhay nya kahit nag-aaral pa sya.Hindi rin ako nagtitake advantage sa kanya at nahihiya na rin ako sa kanya dahil sobra-sobra na ang mga naitulong nya sa akin.
Plano ko na pagkatapos akong manganak ay maghahanap ako ng trabaho at lilipat na kami ng anak ko kasi nahihiya na ako sa kanya sa dami ng naitulong nya samin ng anak ko.Pero kung kelan okay na ako. Na tanggap ko na ang lahat at kung kelan nakalimutan at tanggap ko na ang lahat na wala nang Chadd sa buhay ko ay sadya Talagang mapaglaro ang tadhana.
Kung kelan naturuan ko na ang sarili ko sa salitang move on, saka naman dumating ang pagkakataong hindi ko inaasan;ang panahon na matagal ko nang hinihintay na dumating."Ma'am, may bisita po kayo. "
Kinatok ako ni Bambi sa kwarto"Sino daw ?"
Nakapagtataka naman ata dahil wala naman akong inaasahang bisita at sino nman ang bibisita sakin?"Pinsan po ni sir Ace ma'am. Nasa sala po naghihintay."
Kinabahan ako sa salitang pinsan ni Ace ang narinig ko.Isa lang kasing pinsan nya ang kilala ko pero baka nman ibang pinsan nya yun. Napapraning lang ata ako.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.