ASHA POV
Anong oras na di pa rin umuuwi si Ace mula ng umalis sya kanina pagkatapos namin mag-usap tungkol kay Chadd,
sabi nya bibili lang daw sya eh anong oras na.
Gustuhin ko mang matulog nalang at di na hintayin ang pagdating nya dahil baka may binili lang, ay ayaw rin pumikit ng mga mata ko.
Kinakabahan ako dahil unang beses nya itong hindi pa umiuwi kahit anong oras na, iniisip baka ano na nangyari doon.
Ni hindi manlang tumawag.Nung medyo lumalalim na ang gabi ay sinubukan kong tawagan sya pero naka-off ang cellphone nya. Sinubukan ko ulit tawagan pero hanggang ngayon di ko pa rin sya makontak.
Mag-aalas dose na pero di parin sya umuwi, di rin ako makatulog kasi nag-aalala ako sa kanya.
Ano na kayang nangyari dun sana wala nman sanang mangyari masama sa kanya?Maya-maya may humintong sasakyan sa tapat ng gate.
Sumilip ako sa bintana,
may taxing nakaparada tapos biglang tumunog yong doorbell.
Wala nang ibang gising pa sa bahay kaya ako nalang din nagbukas sa labas.
Nakita ko si Ace habang inaalalayan ng mamang taxi driver dahil di makatayo mag-isa."Ma'am,kayo po ba ang asawa nya.?"
Tanong ni mamang taxi driver"Ah o-opo."
Nag-aalala kung sagot kay manong."Maa'm nadaanan ko po itong asawa nyo po sa kalsada halos di na makalakad mag-isa sa sobrang kalasingan kaya pinasakay ko na baka kasi mapagtripan sa daan ng masasamang tao.Ito din po pala yung wallet nya,pasensya na po ma'am kung napakialam ko na.Tinanong ko po si Sir kung taga saan sya,di po kasi sumagot kaya tiningnan ko nlang po sa I.d nya.Promise po ma'am di ko po pinakialaman ang pera nya,isang malaking kasalanan po yun sa mata ng diyos"
"Marami pong salamat kuya dahil sa pagtulong at pagmamalasakit nyo po sa asawa ko.Ito kuya bayad po sa pamasahe nya sa inyo na po ang suki at ako na po ang bahala sa kanya."
Binigyan ko sya ng isang libo.
"Naku ma'am,sobra-sobra po ito.Hindi nman po ako nanghihingi ng kapalit sa pagtulong ko sa asawa nyo."
"Kuya sayo na yan.Kulang pa po yan sa pgmamalasakit nyo sa asawa ko "
"Maraming salamat po ma'am"
Inalalayan ko si Ace papasok sa loob ng bahay kahit medyo mabigat.
Buti nalang at nakakapaglakad pa sya kahit susuray-suray na at di ako nahirapan masyado pagpanhik sa taas ng kwarto nya.
Inihiga ko muna sya sa kama nya.
First time kong makapasok sa kwarto nya at namangha ako.Kulay itim at puti ang kadalasan sa mga gamit nya rito.
Malinis at sobrang organize ang mga gamit nya at sobrang lawak pa.Parang di lalaki ang may-ari.Kailangan ko pala syang mapunasan para mahimasmasan at guminhawa ang pakiramdam.
Nangangapa ako kung saan ang lagayan nya ng damit at saan ang banyo nya para makakuha ng pamunas.
At nang nakakuha na akong damit nya sa isang walk in closet nyang puno ng magagarang damit,sapatos at may collection pa sya ng mga relo.
Sa nakikita ko,naisip ko na napakalayo talaga ng estado naming dalawa sa buhay,Bumaba muna ako para makakuha ng maligamgam na tubig.Una kong pinanusan ang mukha nya,ngayon ko lang napapansin na ang gwapo pala si Ace, unang kita ko palang sa kanya noon ay alam kong gwapo talaga sya at ngayon ko lang nalamn na mas gwapo pala talaga sya sa malapitan at medyo natulala pa ako sa hitsura nya.
Makakapal ang kilay nya, minsan nakita ko kulay brown ang kanyang mata, matangos ang kanyang ilong at ang pula ng labi nya,napalunok ako nung napatingin ako sa labi nya parang ang sarap halikan.Medyo napatagal ang pagtitig ko sa mukha nya,di ko namalayan na dahan-dahan na palang lumapit yong muka ko sa kanya hanggang sa naglapat ang mga labi namin.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.