C6: The Other Guy

567 36 12
                                    

C6: The Other Guy

[Felicity Cuesta]

"Felicity! Pinapatawag ka ni Sir!" Bungad ni Martin sa akin nang makabalik ako sa woking table ko.

"Sige. Tapos na break time. Bye." Pagpapaalam ko kay Rowan.

Pinuntahan ko kaagad si Sir Traize at may pina-photocopy siya sa akin. Assistant kasi niya ako. Si Martin isa sa mga kasamahan ko sa ojt din ito. Hindi naman mahirap ang pinagagawa sa amin.

"Thank you, City." Sabi ni Sir Traize ng nakangiti.

I smiled back saka lumabas ng kanyang office. Ang attractive niyang lalaki kaya iniiwasan kong titigan. Isang ngiti lang tunaw na ang mga babae dito sa office. Kasama na ako doon. Ang alam ko 27 na si Sir Traize pero hanggang ngayon wala pang girlfriend, it's not that I want to be his girlfriend. Nakakapagtaka lang kasi. Ano? Workaholic?

Alas singko na ng hapon kaya nagpaalam na akong uuwi. Magko-commute pa kasi ako. Mahirap sa una mag-commute pero nasanay na lng din ako.

"Ingat."

"Kayo din po, Sir." Nangingiting sabi ko.

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya naputol ang tinginan namin. Nakakatunaw naman.

"Go on." Sabi ni Sir saka bumalik ang mga mata sa laptop nito. Tinutukoy niya ang tawag na ayos lang sagutin ko. Palabas na rin naman ako ng office nito.

"City?" Panimula ng taong tumawag.

"Ano?"

"Sa'n ka?" Tanong ni Rowan.

"Pauwi na."

"Saan?"

"Anong saan?" Kunot noong tanong ko.

"Wala-wala. Sige. Bye. Ingat." Parang may gusto pa itong sabihin pero hindi nasabi.

"Bye."

Nakasakay naman kaagad ako sa jeep at nakarating din naman kaagad sa bahay. Buti hindi traffic ngayon.

I was about to take a nap when the doorbell disturbs me. Nagulat ako nang buksan ko ang gate kasi si Rowan ang bumungad sa akin. Anong ginagawa nito dito?

"Hi." Mahinang bati nito saka inabot ang bouquet of pink and red roses sa akin. Sa kabilang kamay nito ay may prutas. May sakit ba ako?

"Anong ginagawa mo dito sa Manila?" Kunot noong tanong ko.

"Gusto kitang dalawin." Nahihiyang dahilan nito.

"Wala akong sakit."

"Seryoso ako, City. Matagal ko ng planong puntahan ka dito."

Seryoso nga ang mukha nito pero parang puyat.

"Pasok ka muna."

Pinapasok ko muna ito at pinaupo sa loob ng bahay. Nasa palengke ang tita ko kasama si Tyjan, nasa kaibigan naman si Tyrone kaya mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Paano ko naman ito ipapaliwanag kay Tita?

"Sila Tita Wendy?"

"Palengke. Salamat pala dito."

"You're welcome." Nakangiting sabi nito.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko saka inabutan ito ng orange juice na galing sa ref.

"Kaninang madaling araw."

"Sa'n ka tumuloy?"

"Kina Tita Malou. Pinsan ni Mama."

"Hanggang kailan ka dito?"

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon