C3: Sorry Worry

808 43 52
                                    

C3: Sorry Worry

[Felicity Cuesta]

It's Saturday. It's our mini reunion.

May kaunting palaro para sa lahat lalo na sa mga bata. Nakisali pa rin naman ako kahit hindi na ako bata. Isa sa mga larong kinatuwaan ko ay ang tinutupi-tupi na newspaper. Sina Kim at Angelic ang kakampi ko. Tatluhan kasi. Naiwan sa hotel ang mga kaibigan ko.

Hapon na nagsimula ang reunion at palaro kaya inabot ng gabi. Nag karaoke pa kami.

Kaunti lang ang dala kong damit kaya pagkatapos ng reunion nilabhan ko na ang iba at sinampay sa may likod ng kubo na may sampayan malayo naman sa ihawan.

"Good night, Daddy." Sabi ko.

"Nag-enjoy ka ba sa reunion natin?"

"Opo."

"Good night, anak. Sige. Magpahinga ka na."

Papasok na ako ng kuwarto nang makasalubong ko si Rowan. Nakangiti nanaman ito.

"Good night, City." Mahinang sabi nito pero narinig ko.

"Good night." Sabi ko naman dito saka pumasok sa kuwarto.

-

[Rowan Gomez]

Masaya ako. Masaya ang puso ko. Mula noong naging kumportable siya sa akin parati na niya akong pinapansin at sa tuwing napapansin niya ako parang akong natutunaw.

Kinaumagahan, marami sa aking pinagawa sila Tito Frederick at Tito Gel kaya hindi ako nakaporma kay City.

Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Tito Frederick na sasamahan ko si City sa bayan para magsimba kaya nagpapalakas ako ngayon sa kanya sapamamagitan ng pagsunod sa mga utos nila.

Maghapon akong busy kakapalakas kay Tito Frederick. Hindi pa rin ako makatyempo. Inaantok pa ako. Ang aga ko naman kasi nagising kanina tyaka ang tagal ko din makatulog kagabi kakaisip kay City. Sobra yata akong excited na makasama siya magsimba.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kaya nang magising ako. Napamura ako.

"Seven na!" Napabangon ako nang ma-realize kong magsisimba nga pala kami ni City.

Six ang simba. Sh*t.

"Oh! Nandito ka lang pala sa likod! Kanina ka pa hinahanap ng anak ko mag sisimba daw kayo ah? Anong oras na? Naku! Kaya pala napilitang bumalik ng hotel na mag-isa. Naghahanap ng kasama!" Bungad ni Tito Frederick sa akin.

Kabado ako. Ayokong ma-disappoint si City sa akin.

"Sorry, Tito. Kanina ko pa talaga tinityempuhan kayo para makapagpaalam eh nakatulog po ako." Tarantang dahilan ko.

"Okay lang. Hayaan mo na lang. May next time pa naman."

Nagulo ko ang buhok ko sa inis sa sarili. Paano ako nito makakabawi? Malamang disappointed 'yon. Baka wala ng next time.

-

[Felicity Cuesta]

"Nakakainis siya! Sasabi-sabing sasamahan niya ako hindi naman pala!" Inis na inis na reklamo ko kay Blessy na sumama sa aking mag simba kahit wala siyang matinong damit na pang simba.

She stayed outside the church dahil naka-shorts lang siya. Nakapunta naman kami ng maayos buti na lang inalam ko ang direction kung hindi edi naligaw sana kami.

"Calm down. Okay na. Nakasimba ka na. Nakahabol. Hayaan mo na siya." Natatawang komento ni Blessy.

"Paasa kasi!" Nanggigigil na sabi ko.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon