C4: Childhood Memories
[Felicity Cuesta]
Hindi ako pinatulog ng maayos ni Rowan. Ang sakit ng ulo ko. Lumabas ako ng kuwarto na mina-masahe ang sintido ko. Ilang oras lang kasi ako nakatulog dahil sa kanya.
Nabungaran ko pa sa kusina ang baliw kaya mas lalong sumakit ang ulo ko. Napapikit ako ng mariin.
"Masakit ulo mo?" Tanong nito habang nagtitimpla ng kape sa kusina.
Ano? Nang-aasar ba 'to?
"Obviously. 'Wag mo nga akong kinakausap." Pagtataray ko.
Kaunti na lang sabihin kong kasalanan niya 'to.
Bago niya ako iwan nagulat ako nang bigyan niya ako ng gatas at isang maliit na papel na may nakasulat.
- Drink this. Just tell me if you need anything. Sabi mo 'wag kang kausapin kaya sinulat ko na lang. I can massage your head if you want pero kung ayaw mo okay lang naman. Try to sleep more baka kulang ka lang sa tulog. Kulang din kasi ako sa tulog. Masyado 'ata talaga akong nahulog kaya hindi ako nakatulog. Anyway, good morning, City! -
Nahuli ko na lamang ang aking sariling nakangiti. May nalalaman pa siyang ganito.
Imbis na matulog ulit lumabas ako at tumambay sa dagat. Sa ilalim ng isang puno para hindi mainit habang nilalaro ko ang mga kamay ko sa white sand.
"Ate City, pinapasabi ni Kuya Rowan na pupunta daw siya sa bayan kung gusto mo daw ba sumama." Bungad ni Angelic sa akin nang makalapit ito.
"Anong gagawin niya doon?" Pagtataka ko.
"May inutos si Tito Frederick." Sagot naman agad nito.
"Si Daddy talaga! Sige. Sama ako." Sabi ko naman agad.
Tumayo ako't pinuntahan si Rowan. Nakangiti niya akong tiningnan pero hindi ko siya pinansin. Pumasok lang ako sa tricycle at tahimik na nakiramdam.
"Wala ka ba talagang balak na pansinin ako, City?" Mahinang tanong nito nang tumigil siya sa isang souvenir shop sa bayan.
"Anong ginagawa natin dito?" Walang ganang tanong ko.
"Pili ka na ng pampasalubong mo sa mga kaibigan mo sa Manila." Nakangiting sagot nito.
"Wala akong dalang pera." Dahilan ko.
"Ako ang magbabayad." Agad namang sagot nito.
" 'Wag na. Next time na lang."
"Ngayon na habang hindi pa matao. Sa Saturday na ang alis niyo 'di ba? Maraming tao every weekend baka hindi ka makapagpili ng maayos. Mas maaga mas okay." Dahilan naman nito.
"Sige, pero babayaran kita mamaya." Sabi ko na lamang.
"Hindi na. Pansinin mo lang ako. Bayad ka na." Pangiti-ngiting tugon nito.
"Hindi binabayaran ang atensyon ko."
"Eh ba't hindi mo 'ko pinapansin? At kinakausap ng matino?"
"Nakakainis ka kasi!" Pagtataray ko.
"Paano ba maaalis ang inis mo? Sabi mo hindi ka galit."
Imbis na sagutin pumili na ako ng pampasalubong.
"Girlfriend mo ba 'yang kasama mo, Rowan?" Narinig kong tanong ng babaeng cashier.
"Hindi pa. Hopefully in the future." Rinig kong sagot naman nito. Ganito siyang ka-honest? Napangiti ako ng lihim. Sh*t.
![](https://img.wattpad.com/cover/90200673-288-k638194.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
Ficción GeneralIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...