C7: Long Distance Courting
[Felicity Cuesta]
"Good morning, City!" Bungad ni Rowan sa akin sa kanyang tawag.
"Morning. Wait. Nagbibihis ako." Sabi ko saka ito nilagay sa loud speaker.
"Sige."
"Naka-loud speaker ka. Nag almusal ka na ba?"
"Opo. Ikaw?"
"Katatapos lang."
"Wait. Mali-late ka na!" Tarantang sabi nito.
"Oo nga eh. Sorry hindi kita makakausap ng matagal ngayon." Sabi ko.
"It's okay. Bilisan mo na."
"Okay."
"Bye na. Ingat sa byahe."
Pag dating ko sa office nakayuko akong nagpakita kay Sir Traize. Nagulat ako nang nilapitan niya ako at puno ng pag-aalala ang kanyang mukhang nakatingin sa akin.
"What happened?" Bungad nito sa akin. Narinig ko pa ang mahina nitong pagmura.
Hala!
"A-ano—ano kasi, Sir. Traffic po. Hindi ako nagising ng maa—"
"Buti nandito ka na!" Mas ikinagulat ko nang yakapin niya ako hindi pa nga ako natatapos magsalita. Nanigas ako. Bakit masyado siyang concern? Akala ko pagagalitan ako.
Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko kung gaano kahigpit ang yakap niya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi dahil hinihingal ako nang makita siya kundi dahil kinakabahan ako nang yinakap niya. Sh*t!
"S-sir..."
"I-I'm sorry. I was just worried. Ngayon ka lang kasi na late. Akala ko may nangyari ng masama sa'yo." Puno ng pag aalalang sambit nito.
Sa loob ng tatlong linggong pag o-ojt ko dito. Naging kumportable na kami sa isa't-isa kaya siguro ganito siya mag-alala sa akin? Para na niya akong nakababatang kapatid kung ituring. So, kailangan hindi ko 'to gawing big deal.
"Ayos lang po ako, Sir. Sadyang na-late lang po ng gising kaya naabutan ako ng traffic. Sorry po." Nahihiyang dahilan ko.
"I understand."
Sana lahat ng boss ganito. Suwerte ko lang talaga.
"Thank you po."
"If that happens again, just call or text me. Para hindi ako nag-aalala. Ngayon ka lang na-late ng ganito."
May number naman talaga ako nito, pero never kong tinawagan o tinext.
"Sige po."
Madalas din kaming sabay sa break, nililibre niya ako kasi magkasama naman kami sa office. Tyaka hindi siya tumatanggap ng libre ko. May naaalala daw siya sa akin, hindi niya lang sinasabi kung sino. Pero feel ko kapatid niya ang naaalala niya sa akin kung may kapatid man siya. Hindi naman kasi talaga kami nakakapagkuwentuhan about sa family. Mga basic conversation lang kami more like about work and goals in life.
"Hello? Ba't ang tagal mo 'atang sagutin?" Bungad ni Rowan sa tawag nito.
"Naiwan ko kasi ang phone sa office." Dahilan ko.
"Sa'n ka ba galing?"
"Nag-snack."
"May kasama ka?"
"Oo."
"Sino?"
"Si Sir Traize."
"Wala ka bang ibang puwedeng kasama? Napapadalas na yata na siya ang kasama mo kumain." May pagtatampong sabi nito.
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
General FictionIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...
