Epilogue

542 39 6
                                    

Epilogue

[Rowan Gomez]

Ang sarap balik-balikan ng mga panahong wala pa kaming kamuwang-muwang sa mundong aming ginagalawan. Napapangiti ako ngayon.

It started in a vacation. Mga panahong kalilipat niya lang kasama ang buo pa niyang pamilya noon. That time was the first time I saw her and it was an amazing feeling I couldn't explain. Bata pa naman kasi ako noon. Around ten and eleven years old noong una ko siyang makita at makilala.

Nagkakilala kami dahil sa mga pinsan niyang kalaro ko kaya naging magkalaro din kami. Natatandaan ko pa kung gaano siya kasungit sa tuwing hindi ko siya makakalaro dahil nagkakataon na hindi ako pinapayagan. Natutuwa naman ako sa tuwing nagkakalaro kami dahil nasosolo ko siya. Nalulungkot ako sa tuwing inaaway niya ako sa napakaliit na bagay dahil hindi ko lang napagbigyan. Sumasaya ang puso ko sa tuwing ikinikuwento ko sa iba na crush ko siya at sobra akong nahihiya kapag binubuking ako ng mga nakakaalam na crush ko siya.

...

"Nakilala at nakita ko na ang crush mo." Sabi ng kaklase kong babae na kaibigan ko. Binigyan niya ako ng lollipop na binili niya sa tindahan nila City.

"Kamusta?"

"Cute siya. Cute nga." Komento nito. Napangiti ako.

"Mabait pa." Dugtong ko. Ngumiti ito na may panunukso.

...

Hindi ko alam kung bakit hinahayaan niya lang ang mga tuksong naririnig niya sa ibang bata na crush ko siya noon. Naisip ko na baka wala naman siyang pakialam kaya pinagpatuloy ko na lang kung anong pagkakaibigan ang mayroon kami noon.

Noong nalaman kong umalis sila ng Mommy niya, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa lungkot. 'Yon ang panahon na naghiwalay na ng tuluyan ang kanyang mga magulang. Iniwan nila si Tito Frederick sa probinsya namin.

Sa murang edad ay napagtanto ko na mahal ko na pala siya kaya ipinagpatuloy ko kahit nakikita ko na lang siya sa social media accounts niya. Hanggang sa dumating ang araw na nagkita ulit kami and It started in a vacation again.

Buong buhay ko siyang hinintay at ipinagdasal kaya ngayon na kasama ko na siya, hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa.

"Nag-mo-moment ka ba diyan?"

Napangiti ako nang lingunin ko ang asawa ko. Tumayo ako at nilapitan ko ito. Yumakap naman ito agad sa akin habang nakatingala.

"Gutom na ba kayo?" I asked, smiling. I'm referring to her and our baby inside her tummy.

"Gusto ko ng alimangong malaki." Nangingiting sabi nito.

Natawa ako bigla saka siya hinalikan sa ulo.

"Sige. Maghahanap na ako."

She's already four months pregnant with our first baby and we're so excited to see our baby soon. Actually, halos buong pamilya namin. First apo kasi ng both parents namin at first pamangkin ng mga pinsan namin kaya excited talaga lahat at masaya talaga sila ng ibalita namin.

Pauwi na ako galing sa palengke dala ang  alimangong malaki nang biglang tumunog ang cell phone ko. Pagtingin ko ang asawa ko ang tumatawag.

"Yes? Pauwi na po ako..."

"Ang tagal mo." Reklamo nito.

"Malapit na ako. Sorry..."

"Okay. Ingat."

Pagdating ko ay agad niya akong sinalubong ng yakap.

"Lulutuin ko muna 'to."

Nanood lang siya sa pagluluto ko. Kitang-kita ko kung gaano na siya natatakam kaya kahit mainit pa ay pinagbalatan ko na ito.

"Napaso ka?" Biglang tanong nito nanh ihipan ko ang mga daliri ko. Mainit talaga.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko at pagyakap nito sa tagiliran ko.

"Okay lang ako. Kain ka na..." Natatawang sabi ko nang matapos ko siyang pagbalatan.

Naalala ko noong unang beses ko siyang pagbalatang ng alimango sa probinsya. Nasugatan pa ako no'n pero okay lang.

"Kain ka na din."

"Opo. Magbabalat lang ako ng akin."

"No. Hati na tayo."

"Pinaglilihian mo pa rin ba ako?" Tanong ko.

"Ewan ko. Gusto ko lang naman na hati tayo, pinaghirapan mo naman 'to." Dahilan nito.

Love is not about how long you waited for someone, but it's about how that someone worth waiting for. 






- The End ❤ ❤❤

*******

Epilogue Posted: December 4, 2016
Epilogue Edited: September 13, 2021

Thank you Lord for another story completed! ❤ Credits to the songs I used in the story.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon