SPECIAL CHAPTER 1

549 36 6
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

[Rowan Gomez]

Late na akong nakauwi ng bahay kaya hindi na ako nakasabay sa pagkain ng dinner kasama sana ang mag-ina ko.

Bago ako pumunta sa kuwarto namin ng asawa ko, pinuntahan ko muna ang kuwarto ng anak naming si Rowcy para halikan sa noo at mag-good night. Nakagawian ko na rin 'yon.

Pagpasok ko sa kuwarto namin ng asawa ko, tulog na siya. Lumapit ako para halikan ito sa ulo bago ako naghilamos at nagbihis saka ako tumabi dito.

"Nandito ka na pala..." Baling nito sa akin nang magising ito dahil sa pagyakap ko.

"Sorry, hindi ko kayo nasabayan maghapunan ngayon." Bulong ko dito saka humalik sa pisngi nito.

"It's okay. I understand..." Inaantok na sagot nito.

"Good night..." Malambing na sabi ko saka pumikit.

I woke up seeing my beautiful wife beside me and it already made my day. Kaya laging buo ang araw ko dahil araw-araw siya ang unang nakikita ko.

Hindi ko napigilang dampi-dampian ng mumunting halik ang mukha nito hanggang sa naramdaman ko ng nagising ito. I smiled when she opened her eyes.

"Good morning, Misis!"

"Morning..." Inaantok pang sagot nito.

I leaned down to softly kiss her lips. I can feel something's burning inside me when our kiss started to go deep.

I was about to remove her top when we heard knocks on our door and our daughter's shouting outside.

Sh*t.

"Papady! Mamamy! Please open the door!" Sigaw ni Rowcy.

"Buksan mo na ang pinto!" Patawa-tawang utos ng asawa ko sa akin. Alam niyang nabitin ako. Actually, dama niya.

Sumimangot ako saka umalis sa pagkakaibabaw ko sa kanya. Lumapit ako sa pintuan para buksan ang makulit na anak namin.

"Yes, baby?" Bungad ko.

"Good morning, Papady!," Bati nito saka sinilip ang Mamamy niya at ngumiti, "Good morning, Mamamy!" Bati din nito saka lumapit kay City.

"Anong kailangan ng baby namin?" Tanong ni City dito.

"It's Sunday po. It means it's family day!" Masayang sagot nito. She's always excited every Sunday.

"Oo nga pala. Sige. Breakfast muna tayo anak saka na tayo mag-prepare for that." Malambing na sabi ni City dito.

"Yes!" Tumatalon na sabi nito.

Nilapitan ko naman kaagad ang anak namin saka binuhat papunta sa kusina na may naka-prepare ng breakfast na gawa ni Manang Linda. Ang kasambahay naming 50 years old na. Four years pa lang siya sa aming nagtatrabaho.

Pagkatapos mag-almusal, naligo at nagbihis na kami para magsimba bago mag family bonding. Nakagawian na namin itong gawin simula noong mamulat sa family day ang aming unica ija.

-

[Felicity Cuesta-Gomez]

"Tulog na tulog na po si Rowcy." Bungad ng asawa kong mukhang napagod sa kulit ng anak namin sa mall after we attended mass.

Umuwi kami pagkatapos namin kumain sa Mcdo na favorite kainan ni Rowcy. Noong bata pa ako mas favorite ko ang Jollibee kaysa Mcdo. Ngayon ang anak namin mas favorite ang Mcdo kaysa Jollibee.

Lumapit siya sa akin ng may nakakalokong ngiti that I'm guessing what it means. Natawa ako.

He suddenly put his arms around my waist saka ako sinabay sa pagbagsak niya sa kama.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon