C5: Unofficial Courting
[Felicity Cuesta]
"Pumayag po kayo?" Nanlalaki ang mata kong tanong kay Daddy nang malaman kong pinayagan niyang manligaw sa akin si Rowan.
"Anak, don't worry. Nasa sa'yo pa rin ang desisyon kung hahayaan mo siya o hindi. Wala namang problema sa akin kung ano ang maging desisyon mo. Mabuting bata naman si Rowan at malaki ang tiwala ko sa batang 'yan na hindi ka niya sasaktan. Subukan niyang saktan ka, baka makatikim siya ng kamao namin ng mga tito't pinsan mong lalaki." Paliwanag nito sa akin.
"Paano 'yan, Daddy? Ayoko pang magpaligaw. Tyaka ayoko naman siyang paasahin kaya baka hindi ko din siya hayaan. Magkalayo din naman kami. Pagkauwi ko mamaya, hindi na din naman na kami magkikita so, what's the point of courting me?" Magulong dahilan ko.
Actually, nagbibigay lang talaga ako ng dahilan para hindi ako ligawan.
"May point 'yon, anak. Gagawa at gagawa 'yan ng paraan si Rowan ganyan ka kalakas sa kanya." Natatawang sabi nito.
"Ewan ko po. Basta sa ngayon. Ayoko po muna. May mga priorities akong dapat unahin."
"Kung 'yan talaga ang gusto mo. It's okay with me, anak. Ikaw na lang ang kumausap sa kanya."
"Opo."
Nakahanda na kami para umalis at hinihintay ko pa si Rowan para makausap. Kanina kasi ay natameme ako kaya hinayaan niya muna akong mag-isip bago ko kausapin tungkol doon si Daddy.
"City!"
"Ang tagal mo ah! Paalis na kami." Baling ko dito.
It's Rowan.
"Alam ko. May sasabihin ka daw?"
"Ano—'wag mong mamasamain ah? Ayoko muna kasing magpaligaw. Malayo tayo sa isa't-isa kaya walang kasiguraduhan ang lahat ng gagawin mo para sa kin." Diretsong sabi ko.
"I understand. Hindi pa 'ko nagsisimula rejected na ako but I still want to court you. I'll respect your decision."
"Pero ayokong umasa ka, Rowan."
"Matagal na akong umaasa. In thirteen years, sanay na ako. Hindi ko kayang palagpasin pa ang pagkakataong ito." Seryosong sabi nito.
"Ikaw ang bahala. Alis na kami." Sabi ko na lamang.
"Ingat. 'Wag mo sana akong kalimutan ulit." Huling mga salitang narinig ko mula dito.
Honestly, ayoko talaga sa lahat ang umasa kaya ayokong may pinapaasa. Bata pa lang ako umaasa na akong magkakabalikan ang parents ko hanggang sa ang pag-asang 'yon ay naglaho. Mahirap pero kailangang tanggapin na hanggang doon na lamang ang kanilang relasyon. Kaya katulad ng mga anak na produkto ng isang hiwalay na magulang ay natatakot din akong mangyari 'yon sa akin. I've never been in love kaya hangga't maaari kailangan ko munang panindigan 'yon. Iwasan din.
Masaya akong nagbago ang pagtingin ko sa kanya from hating him the first time I met and saw him pero hindi ko maitatangging magaan na ang loob ko sa kanya ngayon lalo na't sa dalawang linggo kong pag i-stay doon. Naging maaalalahanin at maalaga siya sa akin and I'm thankful for that.
Pabebe, pa-hard to get, maarte, choosy at kung ano pa man ang matatawag sa akin, wala akong pakialam. 'Yon ako kahit first time 'to. Hindi ako 'yung tipo ng taong magtitiwala agad kahit pa sabihin nating kababata ko siya dahil iba ang ngayon sa noon. Mahirap magkamali kahit parte 'yon ng pagkatuto sa isang bagay o karanasan. May mga bagay na nagbabago kahit feelings ng isang tao.
I had a crush on him before but it seems like nawala ito ngayon. Nakalimutan ko nga siya eh. Kaya hindi impusibleng makalimutan niya din ang feelings niya para sa akin. Who knows.
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
General FictionIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...
