C17: Together Forever
[Felicity Cuesta-Gomez]
Nanonood kami ngayon ng Just The 3 Of Us habang nakaupo ako at nakahiga si Rowan sa mga hita ko.
"Ilan ang gusto mong maging anak natin?" Biglang tanong nito. Natawa ako.
"Bakit? Ilan ba ang gusto mo? Mahirap manganak. 'Wag mo akong pahirapan." Patawa-tawang sabi ko habang nakatutok sa pinanonood namin ang aking mga mata.
"Ang kaya mo lang." Mahinang sagot nito saka hinawakan ang isa kong kamay at hinalikan.
Pagkatapos ng movie pumunta na siya sa kusina para magluto ng hapunan namin.
Ilang araw pa lang kaming mag-asawa at nasa iisang bubong at kuwarto. Hindi ko pa binibigay ang sarili ko sa kanya na hindi ko naman napapansing inaalala nito or maybe he's just waiting. Na-gi-guilty tuloy ako lately. Lagi ko na lang ito pinahihintay.
Maya-maya naisipan kong puntahan siya sa kitchen ng hindi nagpapahalata. Dahan-dahan akong lumapit sa likuran niya saka ko siya yinakap mula roon.
"Sh*t! Ginulat mo naman ako!" Biglang sabi nito na may pagtawa pero 'di ako tumawa. Napatigil ito.
"Sorry..." Mahinang sabi ko.
Pilit niya akong hinarap pero hindi ko siya hinayaan. I stayed at his back hugging him.
"Hanggang ngayon ba naman nahihiya ka pa rin? Anong problema?" Natatawang tanong nito saka pinatay ang kalan.
" 'Wag mo akong intindihin."
"Paano ako makakagalaw niyan? Tapos na din naman akong magluto. Ihahain ko na lang." Natatawang reklamo nito.
"You can move, but I'll stay here."
"Mahirap gumalaw kung nandiyan ka."
Bigla na lang uminit ang ulo ko. Ang daming dahilan.
"Ayaw mo bang niyayakap kita?! Dati naman okay lang." Biglang tanong ko saka bumitaw sa dito, "Sabihin mo lang na ayaw mo ang dami mo pang dahilan." Mahinang sabi ko pero halatang inis ako saka ito iniwan.
Bumalik ako sa sala. Naghanap ng puwede kong panoorin nang bigla siyang sumulpot pero hindi ko ito pinansin.
Siguro ayaw na niya sa akin kasi hindi ko maibigay ang pangangailangan niya. Kasalanan ko bang madalas kong maisip na baka kapag naibigay ko na at hindi niya magustuhan maghanap pa siya ng iba? Tapos baka kahit nagustuhan niya maghanap pa rin siya ng iba na mas sa akin. Bakit ko ba 'to naiisip kasi?!
Naramdaman ko ang pagtabi nito sa akin habang patuloy ako sa paglipat ng channel.
Hinawakan nito ang kamay ko at kinuha ang remote. Inilapag niya ito sa tabi saka ako pinaharap sa kanya na may nakakaawang mukha na ipinapakita.
"Ano namang trip mo? Umalis na ako para makagalaw ka 'di ba? Tapos pupunta ka dito? Paan—"
Napatigil ako nang yakapin ako nito.
"I love you." Bulong nito na nagpatigil sa akin. Kahit lagi ko ng naririnig ang tatlong salitang 'yan, lagi pa rin akong naaapektuhan. Hinarap niya ako't tinitigan sa mga mata, "May problema ba? Bakit ka nanaman nagkakaganito? Is this part of your hormonal imbalance?"
"Maybe..." Mahinang sagot ko. Natawa ito ng mahina.
He leaned forward. Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo. His eyes divert to my lips. Nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko. Dahan-dahan niya akong hinalikan. Buong pag-iingat nitong inangkin ang aking mga labi.
My body tensed up a bit before I got the nerve to wrap my arms around his neck as he deepened our kiss and then put his arms around my waist. Binuhat pa niya ako dahil nakaupo kami sa sofa.
It isn't our first kiss but it feels like that I'm so tempted to kiss him more.
When we finally broke apart, I was slightly gasping for air as I looked at him. So does he.
Dahan-dahan niya akong nginitian na nagpabalik sa aking katinuan.
"Hindi na ba galit ang asawa ko?" Malambing na tanong nito. Tumango lang ako saka ngumiti ng tipid dahil nahihiya ako.
He laughed and pulled me into a tight hug. Binuhat ako nito saka dinala sa dinning area.
"Ang cute mo!" Nanggigigil na sabi nito saka inihanda ang pagkain namin na niluto niya.
"Hindi ako cute! Maganda ako!" Sabi ko naman.
"Mas lalo!" Natatawang sabi nito, "Ang ganda ng baby ko." Malambing na sabi pa nito saka tumabi sa akin.
"Baby?"
"Wala pa tayong baby kaya ikaw muna ang magiging baby ko." Patawa-tawang sagot nito.
"Di ka kakain? Ako lang?" Pagtataka ko dahil isa lang ang platong nilagyan niya ng pagkain. Plato ko lang talaga.
"Kakain."
"Ba't isa lang ang plato?"
"Susubuan ko ang baby ko..." Natatawang dahilan nito saka lumapit sa akin para buhatin ako at inupo sa mga hita niya.
"Hoy! Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" Patawa-tawang sabi ko.
"No. Kayang-kaya kita. Kain na tayo."
Pagkatapos naming kumain pinilit ko siyang ako na ang maghuhugas. Natatawa kasi ako sa dahilan niya kung bakit ayaw niya akong maghugas.
"Ang baby ko hindi dapat pinapahugas. Baby pa siya." Malambing na dahilan nito.
Kaya binatukan ko para matauhan pero gano'n pa rin.
"Baby, anong nangyari sa'yo? Ba't namimilipit ka diyan sa tabi?" Bungad nito sa akin sa kuwarto nang makapasok ito at nakita ako.
Nang maramdaman ko kasing sumakit ang puson ko, humiga na lang ako para kahit papaano mabawasan ang sakit.
"Masakit ang puson ko..." Nahihirapang sagot ko dito.
Lumapit ito sa akin kaagad.
"What should I do para mabawasan ang sakit?" Tanong nito habang hinahaplos ang ulo ko.
"Mawawala din 'to. Pakikuhaan na lang ako ng napkin sa drawer..."
Gusto ko lang ihanda kasi baka mamaya o bukas lumabas na. Ganito kasi ako madalas kapag magkakaroon ng dalaw. The day before my mens laging masakit puson ko.
"Sige, wait lang."
Binigyan naman niya ako kaagad saka ako tumayo para maglagay sa banyo. Paglabas ko nakabungad siya sa akin sa pinto.
"Masakit pa ba?" Puno ng pag-aalalang tanong nito na tinanguan ko lang saka sumampa sa kama para mamilipit doon.
Tumabi siyang namimilipit pa rin ako sa sakit na nababawasan dahil yakap niya ako. Sa tuwing sasakit ay kumakapit ako sa braso niya ng madiin.
"Ayaw mo ba talagang uminom ng gamot?" Pag aalala nito.
"Ayokong masanay sa gamot kapag nagkakaroon ako." Dahilan ko.
Nakatulog kaming magkayakap kahit ang sakit ng puson ko. Usually, hindi ako nakakatulog pero dahil siguro kasama ko siya kaya ako nakatulog kahit papaano.
-
C17 Posted: December 1, 2016
C17 Edited: September 13, 2021
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
General FictionIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...