C2: Getting To Know Him

916 47 21
                                    

C2: Getting To Know Him

[Felicity Cuesta]

Waking up in a beach is like a paradise. Lalo na ang simoy ng hangin na may halong amoy ng dagat. Parang ang peaceful lang tumira at mabuhay sa ganitong lugar araw-araw.

"Good morning, City!"

Nagulat naman ako sa biglang bumati sa akin mula sa likod. Kalalabas ko lang kasi ng kubo.

"Morning." Tipid na bati ko. Humikab ako.

"Kagigising mo lang ba?" Nakangiting tanong ni Rowan.

Iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kanya dahil heto nanaman ang nakakakilabot niyang mga titig.

"Obviously." Sagot ko habang itinatali ang mahaba kong buhok.

"Mag-almusal ka muna. I prepared it for you."

"No, thanks. Si Daddy pala? Gising na ba?"

"Nasa kusina may inaayos."

"Okay." Sagot ko saka nagpunta sa kusina.

"Gising ka na pala, anak. Ipaghahanda na kita ng almusal."

Ngumiti ako saka umupo. Nakita ko naman si Rowan na tumulong sa kung anong ginagawa ni Daddy habang ipinaghahanda ako.

"Daddy!"

"Bakit?"

"Punta po muna ako kina Mommy."

"Sige." Sagot nito saka tumingin kay Rowan, "Hatid mo nga ang anak ko do—"

"No, thanks. I can manage naman po. Gusto ko pong maglakad. Hindi naman po malayo eh. Tyaka maaga pa naman po." Dahilan ko. Kailangan kong makumbinse siya na 'wag akong ipahatid.

Six in the morning pa lang kasi. Gusto ko din ng kaunting exercise and I don't think I'll be comfortable being with this creppy weird guy.

"Ipapahatid lang kita. Puwede naman siyang sumabay sa paglalakad, anak." My father insisted.

"Hindi na po. I'll text or call you the moment I get there kaya don't worry, Daddy." I said, smiling. Assuring him that I'll be okay alone.

-

[Rowan Gomez]

It hurts me everytime she ignores me pero hindi ko dapat ipahalata. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi ko maiwasang titigan siya o dahil ayaw niya akong kausap o kasama. I waited for almost thirteen years para makita at makasama ko ulit siya.

Noong nalaman kong may two weeks vacation ang Cuesta family inalam ko agad kung kasama na ba si City. Matagal kong hinintay na makasama siya sa reunion nila dahil siya lang naman ang inaabangan ko kaya nga ako sumama dito. Nag leave pa ako sa trabaho ng two weeks to spend time with her. Parang wala kaming pinagsamahan noon para kalimutan na lang niya ako ngayon. Nakakatampo. Wala naman akong magagawa. Gagawin ko na lang ang lahat para mapansin niya ako o maalala.

Tito Frederick knows that I love her daughter that's why I'm currently courting her father para payagan akong manligaw kay City and after that I'm also planning to court her whole family especially her mother. Ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko.

Ganoon rin ako kapursigido sa kanya kaya na mi-misinterpret ng family ko minsan that I'm becoming a stalker lalo na't parang buong buhay na ni City alam ko. Syempre may ibang hindi ko talaga kilala. Lahat ng social media account niya dinadalaw ko malaman ko lang kung anong latest update sa buhay nito. Minsan nga'y naiinis ako sa sarili ko kapag naiinis akong may iba siyang kasamang lalaki sa mga pictures but on the other hand I understand hindi naman kasi 'yon maiiwasan. Basta ba'y wala siyang boyfriend mapipigilan at mapipigilan ko ang sarili kong mainis lalo. Masaya akong wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon at hindi pa siya nagkakaboyfriend. Mabait yata ang tadhana sa akin at pumapabor sa part na 'yon.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon