C1: How It Started
[Felicity Cuesta]
My parents suggested that we should have a vacation and a reunion at the same time to consummate my two weeks sem break at the beach in our province. Pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay na tinutuluyan ko which is sa Tita Wendy ko in Manila. Matagal na rin noong huli akong nakapagbakasyon.
And since my parents are civil with each other dahil hiwalay na sila. Sinama nila ang gusto nilang isama para na rin sa mini reunion namin with my uncles, aunties, and cousins in my father side. Naisipan kong isama ang dalawa sa mga kaibigan ko na sina Blessy and Shena para naman hindi ako ma-out of place sa usapan nila kapag awkward na. Ngayon ko na lang din ulit makikita ang relative ko sa side nila Daddy.
Nasa vacation house sina Daddy samantalang nasa provided hotel ng beach resort naman kami nila Mommy. Malapit lang din sa vacation house nila Daddy. Kaya madali akong makakapunta kina Daddy at madali akong mapupuntahan nila.
Magkakasama kami sa isang room nila Blessy and Shena, sina Tita Wendy with my cousins Tyrone and Tyjan, sina Mommy and Lola Lin ang magkasama sa iisang kwarto.
Dahil napagod sa byahe si Shena. Nakatulog siya nang makarating kami sa beach kaya si Blessy na lang ang isinama ko papunta kina Daddy para makita ang vacation house nila dito.
Pagdating namin napatulala lang ako sa 'di kalakihang kubo pero sakto para makakasya ang buong pamilya nila. Nagpaiwan sa labas ng kubo si Blessy dahil nahihiya siya. Ako ang pumasok sa loob ng kubo. It's not really a small kubo. It's just a traditional one. It's cute actually.
Nakita ko sina Lolo Ben and Lola Zen, sinalubong nila ako ng mga mga ngiti sa mga labi. Nagmano ako sa kanila.
"Felicity, kanina ka pa namin hinihintay." Masayang bungad ni Tita Jing, asawa ng isang kapatid ni Daddy na si Tito Albert. Nagmano naman agad ako sa kanila nang makita ko sila.
"Hi, Ate City!" Bati naman ng pinsan kong si Angelic na pangalawa nilang anak.
"Hi, Angelic! Laki mo na!" I greeted back with a smile on my face. Baby pa kasi ito noong huli kong nakita at nakasama.
"Si Daddy po pala? Nasaan?" Tanong ko sa kanila habang nililibot ang aking mga mata sa loob.
"Nasa likod. Puntahan mo na lang." Sagot ni Tito Jun na kasama si Tita Beth nagluluto sila. Nagmano din ako sa kanila.
Pinuntahan ko naman agad ang likuran ng kubo. Nakita kong nag-iihaw si Daddy kasama si Tito Gel at isang lalaking 'di ko kilala. Malawak naman ang likuran.
"Daddy!" Masayang tawag ko saka ako yumakap at nagmano dito.
"Dalagang-dalaga na ang pamangkin ko ah!" Puna ni Tito Gel na nginitian ko lang at nagmano din dito.
"Rowan, padala na muna nitong mga luto sa loob." Utos ni Daddy doon sa isang lalaking mukhang tuwang-tuwa nang makita ako which is creepy kasi hindi ko naman siya kilala.
"Opo." Sagot nito na para bang hihiyang nakatingin sa akin. Kinuha nito ang mga naihaw na isda.
Napansin ko pang sumulyap itong muli sa akin at ngumiti that irritates me. This is what I called hate at first sight. Madalas ganito ako sa kahit na sinong lalaking hindi ko kilala. Medyo man hater kasi ako.
"Sige na, Rowan!" Pagpapaalis ni Tito Gel dito. Parang natatawa pa nga si Tito Gel.
"Dito ka na matulog, anak. May isa pang kuwarto para sa'yo." Sabi ni Daddy.
"Talaga po? Sige po. Magdadala na lang po ako ng iba kong dalang damit dito. Try ko din matulog dito kahit ilang araw lang po kasi nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung iiwan ko sila kina Mommy." Nakangiting sagot ko.
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
General FictionIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...