C8: Jealousy Vs. Hope

454 34 8
                                    

C8: Jealousy Vs. Hope

[Rowan Gomez]

Medyo panatag na ako kahit papaano. Gusto ko na lang mag tiwala sa pag-asang ibinigay ni City sa akin. Nagiging OA lang ako siguro lalo na pagdating sa kanya. Hindi ko masisi sarili ko dahil matagal kong hinintay si City kaya ngayong may chance na ayoko ng palagpasin pa. Masyado akong hulog sa kanya.

I'm taking all the risk for her because I know she's worth everything.

Lumipas ang mga linggo na ganoon lang ang daily routine namin ni City. Hatid-sundo ko ito, sabay kami kumakain ng lunch and sometimes dinner, magtatawagan kapag hindi busy at nagsisimba every Sunday afternoon. Masaya na ako sa simpleng pagsasama namin kahit hindi pa kami officially in a relationship.

Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang may hawak na bouquet of different kinds of flowers. Kanino naman 'yon galing? Sinalubong ko siya't pinagbuksan ng pintuan.

"Sa'n 'yan galing?" Kunot noong tanong ko.

"Kay Sir Traize." Walang pagdadalawang isip na sagot nito habang may inaayos sa bag.

"Para saan 'yan?" Kalmadong tanong ko. Hindi pwedeng magselos nanaman ako.

"Gusto ko kapag sinabi ko sa'yo, 'wag kang magagalit at makikinig ka muna. Okay?" Baling nito sa akin.

Sinalakay ako bigla ng matinding kaba pero nilakasan ko ang loob ko. Kung ano man ito sana iba ang kutob ko.

"Sige." Labas sa ilong na sagot ko.

"Talaga?" Nakangiting paninigurado nito na para bang pinag-aaralan pa ang expression ng mukha ko.

"Oo nga." Labas pa rin sa ilong na sagot ko.

"He gave this and asked me if he could court me," Bigla akong nakaramdam ng inis at panlulumo. Did she said yes?, "I said someone is already courting me and that's you of course. Sabi niya alam niya. May the best man win na lang daw," Napasimangot ako. Tiningnan ako nitong mabuti bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Ano bang mukha 'yan? May gusto ka bang sabihin?" Tanong nito.

Napaiwas ako sa tingin nito at napayuko sa manibela saka huminga ng malalim. Bakit ang baba ng tingin ko sa sarili ko? Napagkumpara ko na agad ang sarili ko sa boss nito.

"Ito na nga bang sinasabi ko. Talo na ako agad niyan." Mahinang sabi ko.

"Tumingin ka nga sa akin. Gusto mo bang malaman kung anong isinagot ko?"

Nanlulumong liningon ko ito.

"Ano?" Mahinang tanong ko na para bang wala ng pag-asa dahil 'yon ang nararamdaman ko ngayon.

"I don't want the best man in the world, I just want the man who will give his best to be part of my world." Sabi nito na para bang nagpipigil ng ngiti.

Hindi ko pa rin alam kung anong ipinararating nito sa akin.

"It means?"

"It means. So far—you're the man who's giving his best to be part of my world." Nangingiting sagot nito.

"Binasted mo siya?" Tanong ko.

"Sabi ko friends na lang kami kasi may taong naghihintay sa akin at ayokong may isa pang maghihintay sa akin. Dahil kung hahayaan ko kayong parehong manligaw pare-pareho lang tayong masasaktan sa huli kasi kailangan kong pumili ng isa at ayokong may nasasaktan ako dahil sa may pinili ako and it would be unfair to you na matagal ng naghihintay sa akin." Dire-diretsong sagot nito.

"Ginawa mo 'yon? Sinabi mo talaga?"

"Oo kaya 'wag ka ng nalulungkot diyan. Umuwi na tayo. Dinadaig mo ako parati sa pagdadrama."

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon