C10: Relationship Humps And Bumps
[Rowan Gomez]
It's been seven months of being with the girl I love more than my life and still counting.
"Happy monthsary!" I said, smiling at her.
"Happy monthsary!" Sabi din naman nito saka yumakap sa akin.
Yakap pa lang niya nakakawala na ng pagod at stress sa work.
"Sa'n mo gusto kumain?"
"Gusto ko luto mo." Agad na sagot nito.
"Sige. Sa apartment ko na lang."
Hindi na ako kina Tita Malou nakikitira kasi nakakahiya na. Umupa na lang muna ako ng apartment kasi nag-iipon pa ako ngayon. Maliit lang na apartment ang kasya lang isang taong titira para tipid. Madalas ko siyang ipagluto kaya hindi lang spoiled sa pagmamahal ko kundi pati sa mga luto ko.
"Maupo ka muna dito. Magbibihis lang muna ako." Pagpapaalam ko dito.
Nanonood siya ng movie titled Suddenly it's Magic. Favorite niya. Ipinagluto ko na muna siya. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng menudo nang maramdaman ko sa likod ko ang presensya nito. I was about to turn para makita ko siya when she suddenly hugged me. Heto nanaman ang parati kong nararamdamang kaba sa tuwing magkalapit kami. Hindi pa rin ako sanay. Lalo na kapag naglalambing 'to. Hindi kasi niya ito ugali.
"Ganyan ka lang." Mahinang sabi nito.
Nagiging ganito lang siya kapag nahihiya sa kung anong gagawin niya o sasabihin. She loves hugging me from the back and saying sweet words na bibihira niya lang gawin.
"City." Mahinang tawag ko dito.
"I love you so much, Rowan." Malumanay na sabi nito. Mas humigpit ang yakap nito. Hindi tuloy ako makagalaw. Pinatay ko ang niluluto ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi ito harapin. I cupped her face then lean down to kiss her. I always try my best to control myself kissing her kasi baka kung saan mapunta.
Where are you self control?!
I put my arms around her waist and kisses her even more passionately. She put her arms around my neck and kissed me back with the same intensity.
Parang ang init.
Huminto ako saka ko ito tinitigan sa mga mata. I smiled then I kissed her forehead.
"Sorry." Mahinang nahihirapang sabi ko saka ko siya yinakap.
She hugged me back while giggling.
"Ba't ka nag-so-sorry?" She asked.
"I—"
"I love you. I love you. I love you." Sunod-sunod na sabi nito.
"I love you more. Gutom ka na ba? Matatapos na 'to." Sabi ko naman saka binalingan ang niluluto ko. Binuksan ko ulit ang kalan.
"Pwede mo bang tapusin 'yan habang nandito lang ako nakayakap?" Malambing na sabi nito.
"Sige. Basta ang makakagalaw ako ah?" Malumanay na sabi ko.
Patapos na din naman ako kaya hinayaan ko siyang yumakap na gustong-gusto ko naman talaga.
Ang init.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Papa sa akin tungkol sa first at second base. 'Wag daw muna ako mag homebase baka masapak ako ni Tito Frederick.
Noong una hindi ko pa maintindihan ang ibigsabihin ni Papa pero noong tinanong ko si Kuya saka ko lang naintindihan.
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
Fiction généraleIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...