C11: The Beginning Of A Long Distance Relationship

438 34 8
                                    

C11: The Beginning Of A Long Distance Relationship

[Felicity Cuesta]

"Hindi ako uuwi." Nakasimangot kong sabi kay Rowan.

Bukas na kasi ang alis ko ng bansa to France. Akala niya sumama lang ako sa apartment niya para lang kumain ng niluto niya, 'yon naman kasi talaga ang first plan ko pero kasi nakakainis 'tong sarili ko! Hindi ko maiwasang hindi maging clingy these past few days.

"Ihahatid na nga kita."

"Ayoko nga. Nagpaalam na ako kay Tita Wendy tyaka kay Daddy at Mommy na dito muna ko ngayon makikitulog." Sabi ko saka pumasok sa banyo nito para magbihis ng pantulog.

"Hindi pwede. Gusto mo ba talaga akong pahirapan?" Sabi nito sa labas ng banyo.

"Paano naman kita pinapahirapan? Makikitulog lang naman ako ngayong gabi lang." Sabi ko nang makalabas ng banyo.

"Hindi ka nga pwede dito. Malalagot ako." Nakasunod na sabi nito sa akin.

"Ba't ka malalagot? Nagpaalam naman ako kina Daddy ah!" Sabi ko habang nakapamewang na nakaupo sa maliit niyang sofa.

"K-"

"I get it." Mataray na sabi ko saka tumayo. Kinuha ko ang gamit ko kahit nakapantulog na ako. Uuwi na lang ako. "Pwede mo naman kasing sabihing ayaw mo ako ditong matulog hindi 'yung pasabi-sabi ka pa ng hindi pwede! Kung ayaw mo, okay." Inis na sabi ko saka ito nilagpasan.

Bukas na nga ang alis ko at ayokong magpahatid sa kanya bukas dahil baka hindi lang ako tumuloy pero dahil pikon na ako sa kaartehan niyang hindi pwede, okay.

"City, ihahatid na kita." Habol nito nang maabutan ako pero hindi ko siya pinansin. Nag abang ako ng taxing dadaan. "City, please. Tara na." Sabi pa nito na hahawakan pa sana ang kamay ko pero iniwas ko.

"Umuwi ka sa bahay mo at uuwi na rin ako sa bahay ko. Kaya ko ang sarili ko." Walang ganang sabi ko dito.

"City naman. Intindihin mo naman ako kahit minsan lang."

"I understand kaya nga uuwi na ako." Seryosong sagot ko. Ako pa itong hindi makaintindi ah.

"Ayaw mo namang magpahatid."

Nang may humintong taxi ay agad akong sumakay. Sinarhan ko kaagad ito ng pinto.

-

[Rowan Gomez]

Parang pinagsisisihan ko tuloy na pinilit ko siyang umuwi. Gusto ko lang namang makaiwas sa kung anong hindi ko kayang maiwasan lalo na kapag nasa apartment ko ito. Nag-iingat lang ako, ayokong ma-disappoint ang parents ko at parents niya sa amin lalo na sa akin.

"Sorry na." Bungad ko kinaumagahan. Syempre may dala akong almusal para sa kanya kahit kagabi pa talaga ako nandito sa harap ng bahay nila.

Sinundan ko kasi kaagad ito nang umuwi siya sakay ng taxi. Sa kotse ako natulog at gumising ako ng maaga para mabilhan ko siya ng almusal kahit alam kong may almusal naman sila.

"Ayoko na, Rowan..." Mahinang sabi nito na hindi makatingin sa mga mata ko. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ayaw mo na?" Naguguluhan kong tanong.

Shit!

"Let's end this relationship. Mahihirapan lang tayo sa long distance relationship, Rowan. Kung ngayon pa lang nga nagkakaroon na tayo ng hindi pagkakaunawaan lalo pa kaya kapag magkahiwalay tayo." She said, coldly.

"Ano?! Kaya natin ang long distance relationship, City," Sagot ko naman saka hinawakan ang mga kamay nito, " 'Wag ka namang ganyan, City. Alam mo namang mahal na mahal kita. Kung dahil ito kagabi, sorry na. Papayag na ako sa susunod." Malumanay kong sabi ko.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon