C15: An Almost Perfect Place

444 33 6
                                    

C15: An Amost Perfect Place

[Felicity Cuesta]

"Hey! Give me back my phone!" Inis na suway ko kay Rowan nang kunin nito sa kamay ko ang cellphone ko. 

Kunot noo niyang tinitingnan ang cellphone ko habang nilalayo sa akin.

"Ba't ganito ang wallpaper mo? Kaninong anak 'to? Ba't hindi ang anak natin ang gawin mong wallpaper?"

"Sira ka ba? Wala pa naman tayong anak!" Sagot ko habang inaabot ito mula sa kanya.

Ang cute kasi ng baby kaya ginawa kong wallpaper. Nakakawala ng stress kahit hindi naman ako ganoon ka-stress ngayon.

"Oo nga pala. Ba't 'yan? Ako na lang ang gawin mong wallpaper." Sabi nito saka lumapit sa akin. Hinayaan niya akong makuha mula sa kanya ang cellphone ko.

"Ayoko nga." Natatawang sagot ko.

"Ang daya mo naman. Wallpaper nga kita kahit saan, kaunti na lang gawin kitang wallpaper ng kuwarto ko." Nagtatampo na nagpipigil ng tawang sabi nito.

"Ano ngayon? Kailangan pati ako?" Pagtataray ko.

Ngumiti ito saka yinakap ako sa tagiliran.

"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang makita na pati sa phone mo nandoon ako." Malambing na sabi nito saka ako hinalikan sa sintido.

"Halungkatin mo 'to nang makita mo ang hinahanap mo." Sabi ko saka ibinigay ang cellphone ko dito. 

Binuksan nito ang gallery. Natawa lang ako. Diretso talaga siya sa pictures. Puno ito ng mukha niya kapag tulog at hindi nakatingin.

"Saan mo 'to nakuha? Paano ka nagkaroon nito?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Mas gusto ko ang stolen sa'yo," Dahilan ko, "Kaya 'wag kang magtampo sa baby na nasa wallpaper ko. Puno naman ng mukha mo ang gallery ko." Malumanay na sabi ko.

"I love you. Pakasal na tayo!" Biglang sabi nito.

"Ikakasal na nga tayo." Natatawang sabi ko.

"Gusto ko ngayon na. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Para magkaroon na tayo ng baby tapos papalitan mo na ang wallpaper ng picture ng anak natin." Nangingiting sagot nito.

"Baliw!" I said, laughing.

Nasa bahay kami ngayon na pinagawa nito. Naghahakot kami ng gamit na pinamili namin para sa bahay. Tumutulong ang kapatid niyang si Kuya Ronel sa amin mag-ayos at maghakot para matapos kaagad. Pati si Tito Ruddy at si Daddy ay nandito din hindi naman kami pinapansin na nagkukulitan.

"Ayusin ko muna ang kurtina sa mga kuwarto." Bigla kong sabi dito saka niya ako binitawan.

"Sama ako!" Sabi nito na napalakas 'ata dahil nag-echo pa sa buong bahay.

Natawa ako dahil para siyang batang iiwan ko saglit na gustong sumama.

"Hoy, Rowan! Tumulong ka dito sa amin! Haayan mo munang mawala sa paningin mo ang anak ko! Lalanggamin ang buong bahay sa inyo!" Sigaw ni Daddy sa di kalayuan na nagbubuhat ng oven papunta sa kitchen.

"Tol, easy lang. Hindi naman mawawala si City." Sabi naman ni Kuya Ronel nang mapadaan sa kanya na may dalang tubig.

Pinuntahan ni Rowan si Daddy saka lang ako pumunta sa mga kuwarto para magkabit ng kurtina. Tatlo ang kuwarto ng bahay. Guest room ang isa. Isang connecting room kaya parang dalawang kuwarto din. Ang isa naman ay masters bedroom at ang isa para sa future anak daw namin. Malamang matagal pa bago magamit 'yon. Natawa nga ako nang sinabi niyang planado na pala talaga 'tong buong bahay para sa amin.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon