SPECIAL CHAPTER 2

723 40 13
                                        

SPECIAL CHAPTER 2

[Rowan Gomez]

"Papady!" Tawag ni Rowcy pagdating na pagdating ko sa bahay.

Ngumiti ako dito saka hinalikan ito sa ulo.

She's already nine years old at habang lumalaki ay nagiging carboncopy ito ng kanyang ina.

"Papady, si Mamamy po!" Tarantang sabi nito.

"Bakit?" Agad na tanong ko.

Hinila niya ako papasok sa kuwarto. Nabungaran kong nakabalot ng kumot ang asawa ko sa kama namin.

Hinalikan ko ito sa noo at dinama ng palad ko ang leeg at ulo nito pero hindi naman mainit.

"Masama pakiramdam mo? Wala ka namang lagnat." Pag-aalala ko.

"Mamamy is not sick, but she's not feeling well. Kawawa naman si Mamamy." Sabi ng anak namin na yumakap sa kanya.

Inalalayan ko itong makaupo.

"Nahihilo ako Rowan..." Reklamo ni City.

"Ano bang nangyari habang wala ako? Kanina ka pa ba nahihilo?" Pag-aalala ko.

"Sinuka ko lahat ng inalmusal natin kanina pagkaalis mo. Actually, ilang araw na akong nakakaramdam ng pagkahilo pero kanina lang ako nagsuka. Kumain ako ng tanghalian, sinuka ko din kaya hinang-hina na ako. Nagugutom na ako pero ayoko ng pagkain dito." Sagot nito na para bang hirap na hirap.

"Ano bang gusto mong kainin? Mag-oorder na lang ako ng hapunan natin."

"Mcdo! Mcdo! Papady!" Biglang singit ng anak namin.

"Mcdo for you baby, how about for Mamamy?"

"Gusto ko ng spicy menudo..."

"Lulutuan na lang kita. Mag-oorder lang ako ng kay Rowcy."

Tinulungan ako ng anak naming ipagluto ang Mamamy niya. Hinatid namin ito sa kuwarto saka ko siya sinubuan habang kumakain ng spaghetti ang anak namin.

"Thank you..." Sabi nito saka ako hinalikan sa labi.

Tinulungan naman ulit ako ng anak namin na maghugas ng pinagkainan. Wala kasi ang kasambahay namin ngayon.

"Very good ang baby namin. Maghilamos ka na at magbihis ng pantulog saka ka matulog. Okay?"

"Yes, Papady!"

Nag-shower muna ako bago ko tinabihan ang asawa ko. Yumakap agad ito sa akin.

"Ang bango mo..." Sabi nito na inaamoy ang leeg ko.

Sh*t. Baka hindi ako makapagpigil kahit may sakit ito dahil sa ginagawa niya.

"I love you..." Bulong ko saka humalik sa kanyang noo. Humigpit ang pagkakayakap ko dito.

Nakahiga na ito sa dib-dib ko habang hinahaplos ko ang buhok at likod nito. Maya-maya'y umangat ang ulo nito.

"Matulog ka na para bukas magaling ka na." Sabi ko saka hinalikan ang dulo ng ilong nito.

Umangat siya saka nilapit ang mukha niya sa bandang tenga ko.

"I'm already two weeks delayed..." Bulong nito na nagpagising sa inaantok kong diwa.

I held her face to see her smiling. Hinalikan niya ako ng paulit-ulit saka ko pinagpalit ang posisyon namin.

"Are you pregnant?," Tanong ko para masigurado ang iniisip ko.

"I think so."

"I love you so much..." Sabi ko saka bumaba para itinaas ang damit nito. Dinampian ko ng ilang ulit ang tyan nito.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon