C12: The Biggest Challenge

433 31 14
                                    

C12: The Biggest Challenge

[Felicity Cuesta]

It's his birthday today at alam kong nagtatampo siya dahil hindi ako makakauwi. For the last time kinailangan kong magpumilit pang makauwi kahit tatlong araw lang sana. Makasama ko lang ang nagtatampo kong boyfriend.

"Sige. Bukas na lang. Hindi puwede ngayon." Ma'am Hanna said kaya pumayag na ako.

I tried calling him para ipaalam pero hindi niya sinasagot. Nagchat na lang ako sa kanya pero wala pa akong natatanggap na reply. Kahapon pa ako dini-deadma. Ang alam niya kasi talaga makakauwi ako pero no'ng sinabi kong hindi ako pinayagan bigla na lang siyang natahimik at walang ganang nakipag-usap sa akin. 'Di bale, I'll surprise him na lang. Babawi ako. Isang buwan bago ang birthday niya kasi sigurado kaming makakauwi ako. Kaso naiba ang plano ilang araw bago ang birthday niya.

Kinabukasan, umalis agad ako ng France. Syempre, bumili ako ng pasalubong sa duty free for Tita Wendy and my cousins pero bago ako dumiretso kina Tita pinuntahan ko muna si Rowan sa pinagtatrabahuan niya. Hindi naman ganoon karami ang dala ko.

"City?" Napalingon naman ako kaagad sa tumawag sa akin.

"Kilala mo ako?" Kunot noong tanong ko.

"Ikaw ang girlfriend ni Rowan 'di ba? Nakita na kitang kasama niya noon at naikuwento ka na din niya sa amin. May picture ka pa niya sa desk niya." Kuwento nito.

"Aah. Okay."

"Hinahanap mo siya?" Usisa nito.

"Yes. Nandito ba siya?"

"Mukhang kararating mo lang ah? Hindi siya nakapasok. Mukhang nasobrahan kagabi. Nagkainuman kasi birthday naman niya."

"Aah. Sige. Salamat. Puntahan ko na lang siya."

"Buti pa nga. Ingat. Ronald nga pala."

Tinanguan ko lang ito saka nagpadala sa taxi papuntang apartment ni Rowan. May binili akong cake para sa kanya kaya dala ko din ito.

Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Naalala kong nasa bahay pa ng Tita ko ang susi kong ibinigay niya kaya hindi ako makapasok. Kumatok pa ako ng ilang beses hanggang sa may babaeng bumungad sa akin na gulo-gulo ang buhok. Kumunot agad ang noo ko. Mataray na tiningnan ito. Sinalakay ako ng kaba.

"Who are you? What are you doing here?" Seryosong tanong ko.

"City?" Napalingon naman ako sa nagsalitang alam kong si Rowan. Napamura pa ito. Parang pumayat siya. Walang damit na suot. Nakashorts lang ito.

Parang alam ko na ang nangyari.

"Sino 'to? Ba't nandito siya? Dito 'to natulog?" Seryosong sunod-sunod na tanong ko.

Parang nahuhulaan ko na ang sasabihin niya at kung bakit may ibang babae dito. She looks familiar to me. I think I saw her somewhere. Natanga lang ang babae nang makita ako. Naka-office wear pa ito.

"Let me explain first!" Sagot ni Rowan habang nagsusuot ng shirt.

At dahil hindi ako fan ng ganitong eksena, hinayaan kong umalis ang babae bago ko siya pinakingga. Habang nagpapanggap na hindi ako naaapektuhan sa nakita ko. Sobrang apektado ako deep inside. Kinakalma ko lang ang sarili ko the whole time.

"Happy birthday!" Walang emosyong sabi ko saka inabot sa kanya ang cake. Kinuha niya ito saka inilagay sa lamesang malapit sa kinauupuan namin, "Belated na pala. Late na nga pala ako. Kaya naghanap ka na ng iba." Walang ganang sabi ko pa.

"Kasama ko siya sa trabaho—ano—kasi kagabi nagkayayaang manlibre daw ako kasi birthday ko naman daw kaya pinagbigyan ko, hindi ko naman alam na malalasing ako pero ang tanda ko hinatid niya ako—tapos—ano—tapos..." Kinakabahang sabi nito na hindi matuloy-tuloy. Taranta din siya sa pagpapaliwanag.

It Started In A Vacation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon