C14: Proposal
[Felicity Cuesta]
"Ano ba talagang nararamdaman mo for Leandre? Baka kasi naaawa ka lang kay Agatha na walang ina at feel mo maging ina niya because in that way makakapagpasalamat ka sa mga panahon na natulungan at napasaya ka ni Leandre. Kasi kung espesyal nga sa'yo si Leandre. Ba't hindi pa nagiging kayo? Pakiramdam ko kasi nagiging rebound mo si Leandre. Paano na ngayon na okay na kayo ni Rowan? You can't have them both. You have to choose. Pare-pareho kayong masasaktan kung ipagpapatuloy mo 'yan." Sabi ni Blessy na kausap ko ngayon sa phone. Alam niya ang mga nangyayari sa akin dahil sa kanya ako nakakapagkuwento madalas.
"Naisip ko din naman 'yan. Ang hirap lang gawin." Dahilan ko.
"Let's just accept the fact na may masasaktan at masasaktan pero puwedeng isa lang ang masaktan kung pipili ka na sa kanila. Alam kong alam mo na ang sagot pero gusto mo lang marinig na sabihin ko. P*nyeta naman. 'Wag mo ng lokohin ang sarili mo. You have to face the truth that you still love Rowan!" Seryosong sabi nito. Parang mas problemado pa siya kaysa sa akin.
"Oo na. Mahal ko pa nga pero paano sila Leandre?"
"They can live without you. Magkasama naman sila. Mabubuhay si Leandre na kasama ang anak niya. Si Rowan? Ikaw lang ang kinakapitan niya maliban syempre sa pamilya niya. Bilib din ako sa kanya. Iba ang magmamahal na mayroon siya para sa'yo." Komento nito.
"Ba't parang kinakampihan mo si Rowan?" May pagtatampong tanong ko.
"Kasi kahit pagbalik-baliktarin natin ang mga pangyayari hindi maaalis na siya talaga ang para sa'yo. Kalimutan mo na ang nangyaring pagkakamali niya hindi naman niya talaga 'yon ginusto. Sa tingin mo ba gagawa pa rin 'yan ng paraan para makasama ka kung sinadya niya 'yon?! Tyaka lahat naman nagkakamali. Tingnan mo ngayon, hanggang ngayon. Wala pa ring pumapalit sa puwesto mo sa puso niya. This is the reality, City. Impusible ang taong hindi nagkakamali sinadya man o hindi. Nasa sa'yo na lang kung uulitin mo o matututo ka na sa pagkakamali na 'yon. He learned his lesson already." Parang pinagagalitan niya ako.
"Thank you, Blessy."
"Wala 'yon. Ayusin mo na 'yan habang maaga pa. Habang wala pang masyadong nasasaktan. Ikaw lang din naman ang mas mahihirapan. I am always praying for your happiness."
I guess it's still up to me. I have to decide now. Hindi ko naman kasi inaasahan na magiging espesyal sina Leandre at Agatha sa buhay ko at hahayaan kong bigyan ng pagkakataon si Rowan na patunayan ang sarili niya sa akin. Ngayon pa kung kailan malapit ko na siyang makalimutan.
-
[Rowan Gomez]
"Sasama ka sa kanila?! City, 'wag!" Pagmamakaawang sabi ko. Nataranta ako nang sabihin niyang sasama siya sa France.
Nasa loob kami ng kotse ko ngayon nag-uusap. Nagkaroon kasi ito ng time na magkasama kami.
"May aayusin lang ako doon. Babalik naman ako kapag naayos ko na." Dahilan nito. Nag-aalala ako na baka kapag hinayaan ko siyang sumama pabalik ng France hindi na siya makabalik sa akin.
Napamura ako. Naitigil ko ang kotse sa tabi.
"Sabihin mo na lang kaya na siya ang pinipili mo at ako ang iiwan mo. Hindi ang gumagawa ka pa ng dahilan para lang hindi ako masaktan when in fact I'm already hurting about your decision." Puno ng pagdadamdam na sabi ko.
" 'Yan ba talaga ang iniisip mo?!" Seryosong sabi nito.
"Honestly? Yes dahil 'yon ang ipinararamdam mo, City! Pagod na akong maghintay. Buong buhay ko hinihintay na kita kahit walang kasiguraduhan. Nakakapagod na talaga."
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
Fiksi UmumIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...