C9: Start Of Something New
[Rowan Gomez]
Pumasok si City sa gate nang hindi man lang ako hinintay na makapagsalita. Ano daw? Am I dreaming? Sh*t. Tama ba ang narinig ko? She said I love you? She said she loves me?
Bigla na lamang akong napasigaw sa gitna ng daan habang nagmamaneho ako pauwi. Doon lang yata nag-sink in sa akin ang sinabi niya.
"Thank you, Lord!" Sigaw ko at abot langit ang ngiti.
Kinabukasan, mas maaga akong pumunta sa bahay nila para sunduin ito. Kung dati ay 6:30 nandoon na ako, ngayon ay mas maaga because I'm excited to see her. Hindi ako nakatulog sa kakaisip kung kami na ba talaga at kung nananaginip lang ba ako sa I love you niya.
"Hello? Ang aga mo naman." Halatang kagigising lang na sagot nito sa tawag ko.
"Good morning! Can I blame you? Hindi ako pinatulog ng sinabi mo kagabi."
"Ano bang sinabi ko kagabi?" She asked while laughing.
"Papasukin mo na muna ako."
Bumungad naman siya agad sa akin na nakapajama at t-shirt. Magulong nakatali ang buhok pataas. Halatang hindi pa nagsusuklay. Pinagbuksan niya ako ng gate at pinapasok sa loob ng bahay. Nagpaalam muna siyang maliligo bago kami sabay na nag-almusal. May dala din kasi akong pancakes na niluto ko sa bahay.
Nasa loob na kami ng kotse nang magkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita tungkol kagabi.
"City." Mahinang tawag ko pagkatapos namin maglagay ng seat belt.
"Hmm?"
"About last night. I was thinking the whole night kung tayo na b—"
"Tayo na." Nakangiting sagot nito kahit 'di pa ako tapos magsalita. Parang inaasahan na niya ang tanong ko.
"As in girlfriend na kita at boyfriend mo na ako?" Paninigurado kom
"Yes boyfriend. Ayaw mo ba? Nagsawa ka na ba sa paghihintay?" She asked, pouting.
She's so cute.
"No. Of course not! Gusto ko lang siguraduhin. Kurutin mo nga ako baka kasi nananaginip lang ako."
She smiled and move closer to me. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka tinapik-tapik.
"I love you boyfriend." Mahinang sabi nito na nakatingin sa mga mata ko.
"Mas mahal kita girlfriend." Nangingiting sabi ko.
Hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ko siyang ihatid sa trabaho agad kong tinawagan sila Kuya at ibinalitang girlfriend ko na si City.
The thirteen years of waiting is over! She's mine now. Finally.
"Anak, masaya kami para sa'yo. Alagaan mong mabuti ang girlfriend mo!" Sabi ni Mama.
"Anak, pag-uwi mo dito saka ko sa'yo sasabihin ang napag-usapan natin noon." Tatawa-tawang singit ni Papa sa tawag ko.
"Ano nanaman 'yan?! 'Wag mong tuturuan ng kalokohan 'yang anak mo! Mas matino 'yan kaysa sa'yo!" Rinig kong sabi ni Mama.
Naka-loud speaker kasi ang tawag ko kay Kuya kaya parang naging family call.
"Tol, lagot ka ni Tito Frederick kapag pinaiyak mo ang unica ija niya!" Patawa-tawang sabi naman ni Kuya.
"Takot ko na lang. Hindi 'yon mangyayari!"
Pagkatapos sa kanila ay sinabi ko din kay Tito Frederick.
BINABASA MO ANG
It Started In A Vacation (COMPLETED)
General FictionIt Started In A Vacation Written By: invisiblegirlinpink - A young love that blooms through the years between Felicity Cuesta and Rowan Gomez. From a childhood friends to something more than just friends. Felicity forgot almost all her memories o...