7

32.3K 923 131
                                    




--

It's been a week at hindi tulad noon, madalang na kaming mag usap ni Aly. Maybe because she got so busy in her work and I got too busy too with my trips. I went to Anilao with Gwen.

It was Saturday morning and I decided to just stay at home.

I was playing with my PS4 when Aly went outside of her room and got inside the bathroom. Napabuntong hininga ako, I know that we were both avoiding each other and I'm annoyed with myself for being such a dork. Oo alam kong kasalanan ko at wala man lang akong ginagawa para ayusin 'to.

I called her name when she was about to enter her room again. Tumigil siya at tumingin sakin. Oh God, why does she have to be this beautiful on her bed hair?

Napalunok ako sa naisip ko at tila natauhan din. "Ah, any plans for today?" I started asking.

She just shrugged her shoulders and was about to get inside her room. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan. Napabuntong hininga ako. Sumasakit ulo ko kung paano ako makikipag usap sa babaing ito.

"I'm sorry. Please, kausapin mo na ko Aly." I pleaded.

She sighed and faced me. "I want to go in an amusement park today." She said.

Medyo nag buffer pa yung utak ko sa kung ano ang ibig niyang sabihin. And a few seconds of recovery my mouth formed an O when I get it.

I smiled. "No problem. We'll go to Star City." Sabi ko naman na tila nagalak din sa idea na papasyal kami today.

Tila nag isip pa siya. "Sa Enchanted Kingdom ko gusto."

She went inside her room and I was left dumbfounded. I mentally slapped my head of how demanding Aly can be but that didn't stop me from forming a smile. YES!

An hour later we were travelling to EK in Sta. Rosa, Laguna. Aly was so quite on our way and slept. She was leaning on me and I didn't bother to protest. Susko, aangal pa ba ko?

After an hour and a half, we arrived.

Yung kaninang poker face niyang mukha ay napalitan ng saya. She smiled at looked so happy seeing and being in the place. I took a picture of her back and the entrance of Enchanted Kingdom as the background. She turned around to face and I exactly captured her on that pose. Beauty, I smiled.

Lumapit siya sakin na nakangiti at nakapa mewang. "Thank you. Pasok na tayo?" sabi niya at kinuha ang kanang kamay ko. We run to the entrance and bought tickets. Masayang masaya siyang naglalakad and I couldn't stop myself to take pictures of her.

"Space shuttle!" Sigaw ni Aly habang tinuturo ito. Mygad. No way. No way.

"Sige, pila ka na. Dito lang ako." Sabi ko dito at umupo sa bench na malapit.

Tumawa siya kaya kumunot naman ang noo ko. I'm getting a bad feeling.

"I'll add 5% sa pagbawi mo sakin samahan mo lang akong sumakay sa space shuttle. That makes it 15%."

I gave her an 'are you being serious' face. 5% lang para sa space shuttle e halos ikamatay ko yan! NO!

Buong puso akong umiling at nagprotesta sa gusto niyang mangyari. Pero naisip ko diba gusto kong bumawi so I really must do this.

Humugot muna ako ng isang napakalim na hininga, pampalakas ng loob kung makakatulong susko. Habang nag iintay kami sa pila ay tahimik lang ako habang siya ay tuwang tuwang tuwa twing may naririnig siyang nagmumura o may nakikitang sumusuka. HUMAYGAD.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon