9

30.7K 908 46
                                    



--

It was Sunday evening at kakabalik lang naming ni Aly sa city. We had our dinner along the way. I was expecting Gwen tonight coz she said earlier she'll be giving her gift for me. She said shewanted to hang out with my place din. Habang hinihintay siya ay naglaro na lang ako ng PS4 while Aly went feel off sleep. Ganon nga ata pag may trabaho laging hinahabol yung tulog.

I heard a knock on the door and hurriedly opened it. I saw Gwen smiling widely while holding a medium size box covered in a birthday wrapper.


"Happy Birthday!" sabi nito and hugged me. Binigay niya na sakin yung box and told me to not open it unless nakaalis na siya. I said thank you afterwards at pinapasok na siya.

Agad naman siyang dumiretso sa couch at nilaro ang call of duty na nilalaro ko. I smiled, trip niya din pala 'tong mga ganitong video games, coz Aly doesn't. Yes, sometimes kapag tapos na siya sa ginagawa niya uupo siya sa tabi ko at papanoorin lang akong maglaro. I tried so many times to convince her to play but failed.

"Okay lang ba Yna? Ako na maglalaro nito ha." Sabi niya na hindi pa rin inaalis ang mata sa screen.

"Oo naman. Two player mamaya, intayin ko lang yung pizza na inorder ko." Sabi ko and went to the kitchen.

I sat back on the couch with the juice and some chips. Sakto naman at dumating na din yung pizza. "Okay lang naman tong pepperoni sayo? May gusto ka pa bang iba?" I asked feeling so stupid. Dapat pala tinanong ko muna si Gwen kung trip niya ba 'tong flavor. Kainis kasi twing naiisip ko ang pizza pepperoni agad yung flavor na naiisip ko. I ordered 2 boxes kasi baka magising si Aly mamaya na nagugutom. Ang aga pa naman naming kumain ng dinner kanina.

Ngumiti muna ito at pinisil ang pisngi ko. "Oo naman. Umupo ka na dito." Sabi niya at tinapik ang ispasyo sa sofa.

Sumunod naman ako at nagsimula na kaming maglaro. We were enjoying the pizza ang the game when Aly went out of his room. Awkward pa naman din yung position namin ni Gwen kasi pilit niyang kinukuha yung joystick ko kasi ginugulo niya ko sa paglalaro. Gwen's body was on me while I extend my hand up for Gwen to not reach the joystick.

"Oh, hi Aly." Gwen stood up para ibeso beso si Aly. Umayos din naman ako nagpapakaupo.

"Kanina ka pa ba? Sorry I was sleeping." Aly said in her sleepy voice.

"Not really. It's okay." Sabi naman ni Gwen.

"Excuse lang ha. Nice to see you here Gwen. Feel at home lang." sabi nito then smiled. She didn't even look at me.

Sinundan ko siya ng tingin as she went to the kitchen. "Wait lang Gwen. Tapusin mo na yang game." Sabi ko dito and went to the kitchen too.

"Aly, may pizza dito."

"Pepperoni?"

Ngumiti ako. Oo nga, si Aly nga pala yung naalala ko twing oorder ako ng pizza kasi favorite niya yung pepperoni.

"Hindi naman ako oorder ng hindi mo gusto." Sabi ko habang nakangiti.

"Sira." Sabi nito at sinuntok ang braso ko ng marahan. She looks so sleepy and she's so beautiful. Ugh.

"Bumalik ka na nga don." Pasunod pa nito at tinulak ako pabalik sa sala.

Bumalik na rin ako sa tabi ni Gwen at sumali na rin sa paglalaro niya. Aly started eating the pizza too and sat beside me. After awhile ay nagsawa na kami ni Gwen sa paglalaro at napagpasyahan naming manood na lang ng movie.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon