11

33.1K 923 63
                                    



--

"Aly, makakapagleave ka ba this Friday?" Tanong ko kay Aly. Pauwi na kami sa condo.

She became sad. "I can't. Sorry, maybe sa susunod na lang. I have'so many things to do pa rin kasi."

Para namang gumuho ang mga building na nadadaanan namin sa narinig kong yon.

Pinitik ni Aly ang tenga ko dahilan para magising ako sa kaartehan kong nararamdaman. "Umayos ka ha, nagdadrive ka. Mamaya ka na mag emote."

"Ayst!" inis kong tugon dito.

Tumawa lang naman siya at binuksan ang radio. Iniisip ko pa rin yung malungkot na outing na yon dahil hindi siya kasama.

"Mag enjoy ka don ha. Ilangoy mo na lang ako."

"Sige." Matamlay kong sabi.

She giggled. "Wag ka ngang maglungkot lungkutan dyan." Sabi nito at pinisil ang pisngi ko.

-

-

Days passed and the Laiya outing happened and we were on our way to San Juan, Batangas. Everyone were all excited except me. Oo, malungkot ako kasi hindi nakasama sa si Aly. Ayoko sana siyang iwang mag isa sa condo pero itong magagaling kong mga kapatid na si kuya Jules at ate May na daw ang bahala kay Aly. Niyaya ko din sila na sumama sakin sa Laiya pero mas pinili nilang samahan si Aly sa Manila. Good thing nandyan sila.

Nang makarating kami ay agad kong inayos ang mga gamit naming at dinala ito sa inupahan naming house cottage and we also rented a cottage near. They wanted to stay til the next morning kaya naman napakadami naming dala. Gwen and others went to the beach which was meters away lang naman sa cottage na inoccupy namin.

"We deserve this bakasyon mga beks!" sigaw naman ni Joey habang nagtatampisaw na sa dagat.

The sky is clear blue in this afternoon. Sakto lang at hindi mainit ang hulab ng araw. Malamig na hangin at tahimik na kapaligiran. Kami pa lang ang nandoon ng hapong iyon sabi kasi ni Kuya Jhun, yung kausap namin, mamaya pa daw gabi yung dating ng iba.

Later that afternoon, Macey and the others tried the banana boat and jet skiing. Kami naman ni Gwen ay nasa cottage lang.


"Mga bakla! Tara na. Sumama na kayo samin. Jet ski tayo." Tawag ni Joey samin at pakaway kaway pa. motioning us to go there.

"Gwen, bakit ayaw mong sumakay?"

"Eh ikaw bakit ayaw mo?" balik tanong nito sakin. Ayoko kasi wala ako sa mood. Iniisip ko si Aly. Hay, I hope she can see and experience these.

Ayoko namang sabihin yung dahilan ko diba. For once, I am being sensitive around Gwen. I held her hand and went to where they are.

"O ayan, yung lovebirds na KJ, sasama na." sabi naman ni Betty at nagtawanan silang lahat.

Hala, love birds? Sino? Kami? Hala.

"Mga bakla, sumakay na lang kaya kayo ano? G na!" sabi naman ni Gwen at inirapan ang mga ito. Ako naman ay tahimik lang na sumunod sa kanila.

We wore life jackets and the kuyas assisted us on riding the boat.

"You gonna drive." Gwen said at pinauna ako sa pagsakay. Wala na rin naman akong nagawa at sumunod na lang. Sumakay na rin siya sa likod.

I started to accelerate but with balance. Ang hirap talagang mag balance nito, pero keri lang. The others were enjoying the ride by themselves.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon