13

29.5K 845 215
                                    


--

Nagising ako sa amoy nang mabangong pagkain. Hindi ako nagkamali, si Aly nagluluto. Sabado ngayon at himala wala siyang lakad.

Lumabas ako at binati siya. And great, over size shirts again. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi siya tingan mula ulo pababa. Shit. Aly naman. Wait, ngayon lang siya nag over size shirt na walang pajama or shorts. Damn I'm checking her out early in the morning and I'm controlling myself not to back hug her.

For the last 5 months of being with her, mas lalo akong nalunod ng paghanga sa kanya lalo na tuwing nakatali ang buhok niya into a messy bun hair na siyang lalong nagpaganda sa mukha nito.

Pasimple pa rin akong natutula habang seryoso siyang ginagawa yung mga school stuff niya. Lalo na kapag nag luluto siya at naka apron siya, damn, naaakit ako.

Naaakit ako in those very simple things she does. At Oo, sobrang hirap magpigil kung alam niyo lang.

"Yna, tikman mo nga 'tong niluto ko. Parang may kulang kasi."

Bumalik naman ako mula sa pagmumuni muni noong magsalita siya.

"Ah- eh. Morning rituals Aly. Wait lang." Paliwanag ko at dali daling dumiretso na sa banyo. Ang aga aga pinagpapawisan ako.

Paglabas ko sa banyo ay agad kong tinunton ang kusina. And I've said earlier, I'm freaking controlling myself to back hug her ..ugh, bahala na.

Okay. I lost it. Sorry.

At dahan dahan na akong lumapit sa kanya habang busy siya sa pag hihiwa ng kung ano man yon. I snaked my arms on her waist at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya na siya naman niyang ikinagulat. Tinigil niya ang kanyang ginagawa.

"Gosh Yna." Gulat nitong tugon. Inapakan niya ang kanang paa ko bilang ganti. Aray!

Mas lalo ko ngang isinuksok ang mukha ko sa leeg niya. Gumalaw siya na parang nakikiliti. "Hoy naman may ginagawa ako." She said playfully. Good thing she didn't push me away.

"Patikim pala nung niluto mo?"

"Paano mo titikman kung ganito ayos natin?" Nakaback hug pa rin kasi ako. Inayos ko ang buhok niya and put some of her hair on the other side. Her neck was now exposed. Tempting.

"Okay na. Game. Subuan mo na ko."

Hindi ko man nakita ang reaksyon ng muka niya ay siguradong akong nakakunot ang noo nito.

"Pahirap ka sa buhay Yna ha."

Sabi naman nito at tumawa lang ako pero sinubuan din naman ako. Lalo akong napangiti nang hinipan niya muna yung menudo na mainit bago niya isubo sakin. Shems naman Aly.

"Hmmmmmm." Shet ang sarap. " Pwede nang mag asawa."

Siniko nga ako. "Kumain na nga tayo. Kung ano anong sinasabi mo."

Ngumisi lang ako tinanggal ang pagkakayakap sa kanya dahilan para humarap siya sakin. "Too clingy in the morning Yna." At pinisil ang ilong ko.

"Trip mo lagi ilong ko no?"

"Tangos kasi." Then she makes a face.

Damn cute Aly.

Inayos na namin ang lamesa para kumain. This is a brunch actually.

"Aalis pala ako mamaya, may lakad ka ba, gusto mo sumama?" tanong ko kay Aly. Nagyaya kasi sina Gwen, the usual.

"I might just stay here." Tipid nitong sagot at pinagpatuloy ang pagkain.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon