24

27.4K 862 157
                                    



Aly's POV


"Ron?"


May halong pagkagulat, kaba, at saya ang boses at ang naramdaman ko noong nakita kong nakatayo sa labas ng condo unit ang lalaking minsan na akong sinaktan at pinaasa. Oo, last night he called and I haven't slept. I was overthinking. My feelings for him...


And there he was standing in front of me. Looking as good as ever. Always has this playful smirk on his face like Yna.


Yna?


And why does she suddenly comes to my mind? Napakunot ang noo ko. Nagtataka sa inasal ng isipan ko.


"Hi. You okay? Aly?"


At agad kong ibinalik ang tingin sa kanya. " Sorry. I'm really sorry. Are you still mad at me?" Sabi pa nito at matama akong tiningnan sa mata.


"Ah, yeah. I mean no-. Please Co-come in first, Ron." And why am I stuttering? Kainis ka Yna. Kainis!


Pumasok na siya na may pag aalala pa ring tingin sakin. I unconsciously run thru my sight on him while he scanned the unit where I'm in. Bumalik ito ng tingin sakin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad ko namang inalis ang tingin ko. I have to be firm this time. He cannot just walk into my life again.


Pero aminin mo Aly, namiss mo siya.


Sumeryoso ako ng tingin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong sa kanya.


Ngumiti naman ito sakin. "Paupo muna." At umupo nga ito sa couch. He run his hand thru his hair and sat properly facing me.


"Last night I called you and you said 'Yes, we need to talk'." Sabi nito na may malapad pa ring ngiti. Na parang walang nangyari. Na parang hindi niya ramdam na naiilang ako sa kanya. Na parang walang break up na nangyari saming dalawa.


Napahawak ako sa sintido ko.


"Let's go somewhere else. Kumain ka na ba?"


Tiningnan ko muna siya nang mga ilang segundo at bumuntong hininga. "Magpapalit lang ako."


Tinalikuran ko na siya at pumasok sa kwarto. Ano tong nararamdaman ko? Galit lang ba ko sa kanya dahil iniwan niya ko noon kaya parang naiilang ako sa kanya? O baka kasi walang closure kaya parang naiinis ako sa kanya.


Pero bakit mas lamang yung pamamanhid ng nararamdam ko?


"Aaaaaaagggh!" nasabutunan ko ang sarili ko sabay ang pagpadyak ng paa. What the hell is happening to me?


I must know this. I must figure this out.


Masyado ata akong matagal dahil paglabas ko ay naglalaro na si Ron ng PS4 ni Yna. Lumapit ako dito para makuha ang atensyon niya. Like what I'm always doing when Yna's too busy playing. Hindi kasi talaga lumilingon yon kahit tawagin.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon