17

26.9K 766 42
                                    



Yna's POV



"Hindi mo ba susunduin si Aly? At bakit ganyan ang mukha mo? Ang pangit pangit!"

I glared at her. Badtrip na nga ako kasi lumabas na naman si Aly with that Sir Tom. Tssss.

Kakarating lang ni Ate mula don sa conference na pinuntahan niya. Ang dami niyang bitbit.

"Anong dala mo Ate?" Agad na tinungo ang kanyang mga pinamili niya. Hinampas naman niya yung kamay ko nang akma kong kukunin yung Pringles.

"Aray!"

Sinamaan niya ko ng tingin.

"Hindi dito kakain si Aly. Lumabas siya with Sir Tom, yung kasama niya sa work." Inis kong tugon kay Ate at kinuha na yung pringles. "Magluto ka ha."

Tiningnan ako ni Ate May na tila may gustong itanong. But I ignored it and sat on the sofa. I called Gwen that moment and invited to have a dinner with us. Gusto rin daw siyang makita ni Ate May.

Saktong dumating si Gwen right after Ate May finished what she's cooking.

"Holaa. I brought beer!"

"Gwen!" halata sa boses ko ang pagkagulat at hindi pagsang ayon sa narinig.

"Kidding, softdrinks lang 'to." She said and winked at me. Then she went directly to Ate May and kissed her cheeks. "Ate ang KJ ng kapatid mo no?"

Tumawa lang si Ate May at sumang ayon naman dito. Ayst. Napag tulungan na naman ako.

Naghanda na rin kami for dinner. Gwen's been so clingy kahit kaharap si Ate. Nilagyan ako ng rice at nilutong menudo ni Ate tapos gusto pa kong subuan. Sinasamaan ko nga ng tingin. Ito namang si Ate May, tawa lang ng tawa. Pinagtitripan na nga ako nung isa hindi pa ko iligtas. HUHU

"Gwen, balita ko niyaya ka ni Jules mag Palawan?" may nakakalokong ngiti si ate na ibinigay kay Gwen.

Tumawa naman si Gwen. "Oo, Ate. But don't worry si Yna pa rin naman ang laman nito." At itinuro ang kanyang dibdib.

Unbelievable.

Umiling iling na lang din ako bilang reaksyon.

"Wala ba talagang chance ang kapatid kong yon?" tatawa tawang sabi ni Ate May. Nako kuya Jules. Kung kumakain ka man ngayon malamang kanina ka pa nabilaukan.

Tumawa lang si Gwen at tumingin sakin. "Hindi ko pa alam ate. May hinihintay pa kasi ako." Sabi nito at kumindat.

O may gawd.

"Kayo talagang mga bata kayo." Iiling iling na tugon ni Ate.

Masaya kaming kumain. Halos puro si Kuya Jules lang yung pinagusapan namin. Botong boto talaga si Ate May kay Gwen for Kuya. Good thing Gwen knows how to ride the conversation.

After dinner, while they're busy talking about things, ako naman ay iniisip si Aly. Nasan na kaya siya. Pauwi na kaya sila? Checked the time and it was 9pm.

"I think I have to go home na ate May. Thank you sa dinner. Sa uulitin?" sabi nito and they hugged each other.

Hinatid ko si Gwen palabas ng Condominium.


"Yna."


Napalingon ako kay Gwen nang tawagin niya ang pangalan ko. Ngumiti lang naman siya at walang sinabi. Ang kulit lang talaga.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon