28

28.3K 876 182
                                    


Yna's POV

"Babalik na si Dad at Mom from states, umayos kayo ha. Isusumbong ko na talaga kayo sa kanya. " At piningot kami ni ate. Nandito ako sa bahay, nagmumukmok. It was 2 days since I shutted down everyone, even Gwen. Oh God, lalong sumakit ang ulo ko nang maalala ko si Gwen.

"Oh alak pa." abot sakin ni Kuya Jules nang ginawa niyang halo ng Jack Daniels at coke. Nandito kami sa veranda nang bahay at nag iinom kaming dalawa. "Magpapasko ganito tayo 'no?" tatawa tawang sabi ni Kuya at uminom. Alam kong nasaktan din si kuya sa nangyari, lalong lalo na kay Gwen. Walang gana kong tinungga yung akin at bumuntong hininga.

Sabay kaming binatukan ni Ate May na kanina pa kaming pinapanood ni Kuyang mag inom. "Masyado na akong nastress sa inyong dalawa ha. Ikaw Yna, halos naibigay ko na lahat nang pwedeng idahilan kina Diane kung bakit bigla kang nawala noong lunch." Sinamaan niya ako ng tingin. "At ikaw Julio, unggoy ka. Yun lang." at piningot ito. Gusto kong tumawa sa kanilang dalawa. Kaya mahal na mahal ko 'tong mga ito eh.

"Huwag kang ngumiti ngiti dyang bata ka. Isa ka pang unggoy ka. Saan ka nagpunta?" at tinaasan ako ni Ate May ng kilay. Napatingin ako kay Kuya Jules na seryosong naglalaro nang COC (clash of clans). Bumalik ang tingin ko kay Ate na masama pa rin ang tingin sa akin. I sighed.

"We celebrated Gwen's Birthday." I said truthfully. Napaangat ng ulo si Kuya Jules sa narinig at nagkatinginan kami. Kita ko ang disappointment sa mga mata ng kapatid ko at aaminin kong nasaktan ako. I looked back at him apologetically like I didn't mean to hurt his feelings. Pero laking gulat ko nang ngumiti ito at itinaas ang kanyang baso. "Cheers kapatid!" at ako nama'y itinaas din ang basong hawak.

And that moment made me realize how bittersweet it is for someone to just let things happen the way it is supposed to be even if it hurts them. But..

But I can't just let pass everything that happened between me and Aly. I need her reason, I need to know what was on her mind.

Pressure? Fvck that!

She still loves Ron?! Damn!

"Your Aly is straight, sister. So let's have another cheers!" at inakbayan ako ni Kuya Jules at sapilitang inuntog ang katawan ng baso niya sa hawak ko. Shete malalasing ata ako nito..

-

-

"Wake up, babe.."

That voice was so familiar that I couldn't think of anyone who owns it. And then I opened my right eye just to see Gwen smiling at me and playfully running her fingers on the side of my face. Ahshiit.

My head is hurting..

My throat is like on flame..

And what she's doing is making my body shiver..for real.

"...mmm." At umungol ako dahil hindi ko na din alam kung paano ko siya pipigilan dahil yung kamay niya ay bumaba na sa tagiliran ko.

Narinig ko yung mahina niyang pagtawa. "Please wake up." She whispered again and this time, I swear this time I lost the will go back to sleep. Napamulat ako nang parehong mata sa ginawa niya at umusog palayo sa kanya. At dahil tanga ako, ay nahulog ako sa kama ko dahil sa ginawa kong iyon.

My room was filled with her laughter. Oh, great.

I feel so tired so I did not get up. Bumaba siya sa kama at mula sa pagkakahiga ko sa carpet ay nakapameywang niya akong tiningnan. "Tumayo ka na dyan. Samahan mo 'ko sa mall."

Tumayo din naman ako at sinunod siya ngunit parang hinila ako ng kama ko pabalik kaya naman buong puso akong humigang muli.

"Seriously, Yna?"

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon