29

29.1K 807 304
                                    


Yna's POV



We welcomed Dad and Tita Mari with a big hug once they set foot on the arrival area. Kumpleto kaming tatlong sumundo sa airport kasama si Gwen. Yes, she made sure to be with me before Christmas comes.

"So this is Gwen you've all been talking about." Tita Mari said when I introduced her to them. At katulad noon kay Ate Diane, puring puri na naman siya ng mga ito. Napapangiti tuloy ako twing tinitingnan ko si Gwen, na parang proud ako. Ewan. Ugh. Brain.

"Ikaw ba ang girlfriend nitong si Julio namin?" pabirong sabi ni Dad at inakbayan si Kuya. Kaming apat ay naglipatan ng tingin sa isa't isa. Mga hindi din alam kung ano ang isasagot. Nagsalubong nang bahagya ang mga kilay ko.

"Ah-Dad. Sumakay na kaya tayo. Gutom na gutom na kami eh. Tara na." sabi ni kuya at hinila si Dad papunta sa sasakyan. Tumaas man ang kilay ng aking ama ay wala na rin naman siyang nagawa kundi maglakad lang din. Napatingin ako kay Gwen at ganon din siya sakin. She smiled and went beside me.

Buong byahe ay napagtripan ni Dad si Kuya Jules at Gwen kahit inamin ni Kuya na hindi naman sila ay pilit pa rin ang tukso ni Dad at Tita. Tahimik lang naman ako sa likod na nakikinig sa kanila habang si Gwen sa tabi ko ay palihim na hinawakan ang mga kamay ko at matamis na ngumiti sakin.



-

"Iha, hindi ka ba dito mag christmas?" interesadong tanong ni Tita Mari kay Gwen. We're having our dinner and I asked Dad and Tita if Gwen could stay until 23.

"Why don't you just call your dad at dito na kayo sa Batangas mag pasko. I want to meet him as well." Nakangiting anunsyo naman ni Dad. Nakatinginan kami ni Gwen at alam ko sa sarili kong natuwa ako sa narinig. I saw Gwen's reaction too that seemed to be happy and surprised.

"Talaga po?"

Tumango si Dad at ngumiti. "Oo naman. Nang makilala ko na ang aking magiging balae." At may nakakalokong ngiting ibinigay si Dad at tumingin kay Julio.

"Alberto. Nakakahiya kay Gwen." And Tita Mari gave Gwen an apologetic smile.

Tumawa naman si Gwen sa narinig. "Okay lang po Tita at Tito."

And the night was just filled with stories of Dad and Tita's journey in California. I somehow forget that I'm broken. That I should be thinking of Aly right at this freaking moment but here I am laughing and looking at Gwen and my family.

"Ay saglet, ngiti muna kayo at ako magpipiktyur!" Ani ni Ate Betty. And we all moved closer together at the dining table, smiling. And as the light on flash went off, I looked at Gwen feeling so thankful that she's with me at this very moment.



--

Matapos ang dinner ay agad na rin namang nagpahinga sina Dad. Nandito kami ni Kuya sa Veranda habang si Gwen at Ate May naman ay tinutulungan sa kusina si Ate Betty. It was a rainy evening, a cold Christmas then.

"Kayo na ba ni Gwen?" pukaw ni Kuya sa katahimikan. Kanina pa kami dito sa veranda pero pareho lang kaming nakatingin sa kawalan. Napayuko ako at napayakap sa sarili ko, and lamig.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago siya sagutin. "Oo, kuya." Mahina pero alam kong narinig niya. I looked at him and saw him smile a bit.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon