23

26.5K 791 182
                                    


Yna's POV




We were driving back to Batangas. Si Ron ay tulog na sa likod nang kotse at lasing na lasing. Namiss niya daw ang Pilipinas. Susko.


Isinama ko na rin si Gwen papuntang batangas para may kasama ako pabalik, pero depende, pagod na din kasi.


"Ron's a womanizer huh." Komento ni Gwen at tumingin sa likod pabalik sa akin.


Ngumiti naman ako kasi totoo naman. Buong akala ko nga hindi niya magugustuhan si Aly, dahil katulad ni Kuya Jules, masyado siyang friendly sa babae. And he's always telling me that Aly was too way out of his type. Na malabong magustuhan niya ito. But then again, fate changes I think. And it fucking sucks.


"Huy natahimik ka na naman dyan. Wag kang matutulog ha. Nagdadrive ka." At pinitik ni Gwen ang tenga ko.


"Whatever happens, please stick around Gwen." Bigla kong nasabi out of nowhere. Ewan habang lumilipas yung oras parang humihina yung loob ko. Paano pa kaya kung magkita na sila.


I am waiting for an answer but Gwen didn't respond. Lumingon ako dito at nakita nakatingin lang naman ito sa labas.


"I—I'm sorry. I shouldn't have said that." Ay nako ang stupid mo na naman Yna.


"Magdrive ka muna." Sabi nito at isiniksik ang sarili niya sa upuan and soon fell asleep. Great. Kailangan kong pigilan ang antok.



--

"Ate, sorry. Hindi na namin napigilan si Ron."


Tumawa naman si Ate diane nang makita kung gaano kawasted and kapatid niya. "Anong nangyari sa pisngi niya?" nagtatakang tanong nito.


Ayst. Gago kasi naman talaga tong mokong na 'to. Letse. Muntikan pa siyang mapaaway.


"Nagpasuper hero yan ate. May pinagtanggol na babae kanina na binabastos." Sabi ko habang tinataw ang kawawang Ron.


Umiling iling si Ate. "But thank you Yna and Gwen. Would you spend the night here or at your house Yna? You can stay here naman." Alok naman nito samin.


I politely declined Ate Diane's invitation. Inaasar na naman tuloy niya si Gwen. "Oh I get it, you miss Jules. Okay. Ingat kayo ha." Kindat nito kay Gwen at tatawa tawa.


--

"Kuya Jules will be surprised to see you." Sabi ko dito habang tinutungo namin ang daan papunta samin.


"Shhh, sumasakit ulo ko lalo." She said and massaged her temple.


She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon