25

28.1K 801 134
                                    



Yna's POV



Anong meron sa mugtong mata ni Aly? Damn Ron!


Agad akong lumabas pagkapasok na pagkapasok ni Aly nang kwarto niya at iniwan na naman si Gwen. I dialed Ron's number and few rings he answered.


"Where the hell are you?"


"Standing where Aly left me. Bakit?"


"Gago. Stay where you are." Inis kong sabi dito at binilisan ang takbo. Naabutan ko siyang nakatayo sa entrance. Nakangiti habang nakatingin sakin.


"What happened?" hingal kong tanong sa kanya. Tumungo ito at tumalikod na sakin tsaka naglakad palabas. Aba gago talaga.


"Inom tayo." Sabi na lang nito. Sinundan ko naman siya papunta sa sasakyan niya na nakakuyom pa rin ang mga palad ko.


Habang nasa kotse ay minarapat ko na lang na huwag munang magsalita. Kahit kating kati na tong utak ko sa kung ano namang kagaguhan ang ginawa ni Ron kay Aly.


"Sagutin mo na yung tawag. Mamaya mo na balaking suntukin ako at magmamaneho pa ko." Seryosong sabi nito at pinaandar ang sasakyan.


Napangisi ako. Alam na alam niya yung iniisip ko. Psh. Agad ko na rin namang sinagot ko na ang tawag ni Gwen. Ang tanga tanga ko na naman. Iniwan ko na naman siya. Hindi na naman ako agad nakapag isip ng ayos kanina.


"Sorry." Bungad ko agad dito.


"Ipapabantay mo ba si Aly sakin o papauwiin mo ko?" sabi naman nito. Halata ang pagkairita sa boses niya kaya napabuntong hininga ako at si Ron naman ay umiling iling.


"Gwen. Come down nandito pa kami, roadtrip tayo!" sigaw naman ni Ron na siyang ikagulat ko. Nababaliw na ang lalaking to.


I heard Gwen chuckled on the other line. "Wait for me."


At makailang sandali lang ay nakita na naming papalapit si Gwen sa kotse. Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto.


Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ewan ko, ang tanga tanga ko na naman. Nagulat na lang ako nang isara niya ito. "Uuwi na ko. Mag iingat kayo ha? Don't drink and drive." Sabi nito at tiningnan si Ron.


Aaminin ko medyo nadisappoint ako sa narinig.


"Ihatid ka na lang namin." Alok ko na lang dito. She smiled at me and cupped my cheeks again.


"Huwag kang mag iinom." She said and glared at me. Nakakunot ang noo kong tiningnan siya. "And Yna, can I ask you a favor?" she looked so sad upon saying it. Hindi ko alam pero naramdaman kong kahit anong sabihin niya parang gusto kong sundin ito.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon