31

30.6K 864 445
                                    

"True love keeps both happiness and pain." 

-Sia, 2017.







Aly's POV




"I-I'm sorry, Ron."


"Ayoko nang malaman kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Yna pero sana naman ako pa rin Aly. I know you, you would not want to get involve with uncertainties."


 Ayaw ko ba talaga? Kung gusto ko bakit ko ginawa iyon kay Yna? Bakit hinayaan ko siyang maglakad papalayo? Bakit mas pinili kong manatili sa tabi ni Ron?


A safe play.


Napapikit ako sa naisip.


"Kakalimutan ko ang nangyari ngayong gabi Aly. Just promise me one thing," narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ron at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Avoid the uncertain. It will just cause you trouble." At hinalikan niya ang noo ko't niyakap.


I feel numb. Ang totoo niya'y kanina pa ako walang maramdaman. And as my tears fell, Ron slowly closed the gap between us. Napapikit ako. Hinayaan siya sa gusto niyang mangyari. He's trying to get a reply from my mouth but failed. Wala akong lakas. Ayaw ng utak kong sumunod. Ayoko. May mali. Alam kong may mali na sa simula pa lang. Bakit ko pa ba pinaabot sa ganito? Kasi ang gulo gulo mong mag isip!


He sighed again before leaning back. "Let's go."


"I..just want to go home, Ron."


Sa sinabi kong iyon ay biglang nag iba ang aura niya at sumimangot ng bahagya. At sa lalim ng boses niyang ginamit ay napasinghap ako. "You'll come with me."


May halong pagpoprotesta kong inlayo ang kamay ko sa kanya nang subukan niya itong kuhanin. "I think we have to rest. Please, pagod na pagod ako ngayon."


"Why? Coz Yna drained the hell out of you? Ha? Mas masarap ba siyang humalik? Ha?!"


Sa gulat ko sa pagtaas ng boses niya at sa nakakatakot na expression ng mukha niya ay nasampal ko siya. Naramdaman ko ang sakit mula sa palad ko. "So-sorry, Ron."


Humakbang siya palayo at bahagyang ngumiti. Kinakabahan sa susunod niyang gagawin o sasabihin. "She can't give you what I can provide." Napakunot ang noo ko sa narinig na iyon.


Ayoko nang marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin kaya naman inumpisahan ko ng maglakad sa kanya palayo. Ngunit bigo iyon nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at may pwersang hinigit ako papunta sa kanyang sasakyan. "Ano ..ba..Ron, nasasaktan ako. Bitawan mo 'ko." Pagpoprotesta ko.


Mabigat ang kamay niyang binitawan ang braso ko at humarap sa akin. "Akin ka lang Aly. Sa akin ka lang. Kaya mo nga ako pinili diba? Kaya ka pumayag na maging tayo ulit."

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon