Monday 2:17 am.
"Manong adik!! Sige na naman oh! Maawa ka!" Hinihila hila nam an ako ng babaeng to! Manong? adik? Manong adik naman ngayon?!
"Babae Hindi nga! Ayoko!" Sabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kainis madaling araw na medyo madilim na yung daan.
"Eh Manong adik sige--"
"Wag mo nga akong tawaging manong adik!" bulyaw ko sakanya. tch, mukha ba akong matanda? hindi din naman ako adik! etong babaeng to!
Naglakad ako ng mabilis. Manong adik talaga tawag sakin? Plus hindi ko pa alam pangalan niya. Tapos ngayon asawa ko na siya?
Kung nagtataka kayo kung bakit nag gaganyan siya. Sabi niya kasi dun na daw siya titira sa bahay ko! Tungaw ba siya nandun yung magulang ko sama mo na yung kapatid kong abnormal!
"Manong adik! sige na--"
"Sabing wag mo akong tawaging manong adik eh! May magasawa bang Manong adik ang tawagan!" puna ko...kaso...
Whaaaaa!!! narealize ko yung sinabi ko...magasawa? shet.
"Ay ganun ba?? sige..hmmm bebe ko? hubby? choco moo?"
"Ewan ko sayo!"
Kainis. Nabubuang na ako dito ah! Kota na ako sa kapatid ko pati ba naman sakanya. Tinalikuran ko siya at naglakad na lang. Choco moo talaga? tsss.
"MICKEY!!"
Napahinto ako. Mickey??
Lumingon ako, tumakbo naman siya papunta sa harap ko.
"Mickey na endearment ko sayo, kasi kanina pala tinawag mo akong Minnie! Yay ang cute diba? Mickey and Minnie! MM!" tili niya at nag tatatalon.
Hinawakan ko naman yung balikat niya.
"Wag ka ngang tumalon!" saway ko sakanya. Ang kulit ng babaeng to!
"Ayt, Sorry. So dahil may endearment na tayo pwede na akong tumira sainyo??" sabi niya.
"Aba sinuswerte ka ah! Ni hindi ko pa nga alam pangalan mo tapos--"
"Ay! Oo nga pala! Ako nga pala si Swami! Eh ikaw? hindi ko rin pala alam pangalan mo no?" sabi niya. Swami? Swami lang??
"Tss..Kyros." sabi ko at nagpatuloy sa paglakad. Pumantay naman siya sakin.
"Mickey...sige na oh...patuloy na sa bahay niyo. Kung iiwan mo ako dito eh gabi na baka mapano ako, pag may nangyari sakin mumultuhin kita!" napakunot noo akong napatingin sakanya. Seriously? may sapak ba to?
"Alam mo Swami, hindi ako papayag dahil unang una i don't know you, pangalawa baka gold digger ka pangat--ARAY!" napatigil ako sa pagsasalita ng batukan niya ako!
"Unang una mickey hindi ako gold digger! pangalawa wala na akong pupuntahan!" sabi niya, seryoso lang siya at naglakad na. Another side of her ang nakikita ko ngayon--
"Whaa!! Aray!!" Nadapa siya.
Hindi pala, siya parin yun yung abnormal side niya.
Lumapit ako sakanya at tinayo siya.
"Bakit ang tanga mo?" sabi ko, hinawakan niya naman yung dalawang tuhod niya. May sugat pala. "Mickey ang sakit ng sugat ko!" maktol niya. "Tsss." binuhat ko siya.
Dumeretso ako sa waiting shed at nag para ng taxi. Pumasok naman kami sa taxi.
"Mickey....pati--"
"Oo na, wag ka ng makulit." sabi ko at tumingin sa labas ng bintana. Tumingin ako sa wrist watch ko. 3:09 am. Tch, inaantok na ako ah! lagot ako kay mama pag uwi ko! Lalo na sa kapatid kong naiwan sa mall.
Napatingin naman ako kay Swami na ngayon ay nakahiga na sa balikat ko. Tulog.
Sinabi ko sa driver kung saan yung village namin.
Hinawi ko yung buhok na humaharang sa mukha niya, di ko namalayan unti unti na ring bumibigat yung mata ko.
--- 8:10 am
Naalim pungatan ako. May liwanag na dumidikit sa mukha ko galing sa bintana. Dumilat na ako...
"Whaaaa!!!!!" napasigaw ako ng may nakita akong babae sa harap ng mukha ko at naka ngiti agad akong bumangon.
"Aray! Mickey naman! yung noo ko!" napahawak ako sa noo ko nagka untugan kami. Ugh!
T-Teka....nilibot ko yung tingin ko sa paligid. Pamilyar sakin to ah! Teka kwarto ko to eh!!
Kanina lang nasa taxi kami ah! tapos nakatulog ako!
"Wow mickey hindi mo pala sinabi sakin na mayaman ka pala! ang ganda ng bahay niyo!! parang palasyo!" sabi niya at nagkalikot ng mga gamit na naroon.
"H-hoy! wag kang mange alam jan! Sino nag papasok sayo dito? sino nagpunta sakin dito sa kwarto?" tanong ko sakanya. Lumapit naman siya at umupo sa kama ko pa indian sit.
"Ahh yun ba? pinabuhat kita kay manong driver kasi paggising ko tulog ka pa ginising kita pero di ka gumalaw akala ko nga patay ka na eh! Pero sabi ni mang driver tulog mantika ka lang daw kaya pagkadating sa harap ng bahay niyo pinabuhat kita papunta dito ay hinde sa gate lang pala may pinindot ako dun at tumunog at tapos may nagbukas na maid, tapos may tinawag yung maid may lumapit na dalawang lalaki. Tapos alam mo ba? pagpasok ko dito sa bahay niyo ang laki ang ganda pa! Pinasok ka nila dito sa kwarto mo tapos tinanong nila kung sino ako, syempre--"
"Ang dal dal mo!" saway ko dito.
"Patapusin mo nuna kasi ako!!" sabi niya at niyugyog ako!
"Ayun nga syempre nagpakilala ako tapos sabi ko asawa kita which is totoo naman--"
"Ano? sinabi mo? tumango siya. "Oo tapos naka ngiti lang sila tapos pumasok yung mama at papa mo--"
Nanlaki yung mata ko. "WHAT?! SI MAMA AT PAPA?!"
Napatingin kami sa pinto ng may kumatok, "Sir, pinapatawag na po kayo ng papa mo. For breakfast."
Whaaaaa!!!
BINABASA MO ANG
One Week With HER (On Going)
Fiksi RemajaIsang linggong kasama siya. Was it a Happy ever after? or It was a Happy Never after? "We never had an ending."
