OWWH 26

159 14 8
                                        


Friday, umaga..basta umaga to XD hehe

Kyros POV

Naalimpungatan ako ng parang may tumutulong tubig sa pisngi ko. Umungol naman ako, ano bayan! Saan ba yang tubig na yan! Inaantok pa ako!

Pinunasan ko yung basa sa pisngi ko at hindi na pinansin yun.Pero....

PUTSPA! May tumulo nanaman! Ano ba yun?! Hindi naman umuulan ah?! Hindi rin naman ako naglalaway?!

Dumilat ako at....

KING INANG--Yuckkkkkk!!!!!

Mabilis akong napabangon!

"Kadiriiii!!!!!" sigaw ko at agad pinunasan yung pisngi ko! Kadiri talaga!! Tiningnan ko naman si Swami na mukhang mahimbing na natutulog!

Yung laway pala ni Swami tumutulo sa mukha ko! Yuck!

Sa sobrang inis ko ay binato ko siya ng unan!

"HOY BABAE! Gumising ka jan! Kadiri ka!" sigaw ko sakanya, letcheng yan kababaeng tao!

Umiikot naman siya sa higaan at umungol. Masama ko naman siyang tiningnan, ang likot niya matulog! Kanina kasi yung ulo niya ay parang mahuhulog na sa higaan kaya siguro pati yung laway niya tumutulo sa pisngi ko! Kadiri talaga!

Inis naman akong pumasok ng CR at agad na naghilamos at nagsipilyo.

Napaka kadiri! Ultimong laway niya napunta sa pisngi ko?! Hindi siguro nagtoothbrush yun kagabi!

"Kadiri talaga ng babaeng yun nako! Kung hindi lang--" napahinto ang sa pagkausap ko sa sarili ko.

Napakawak naman ako ng mahigpit sa towel na hawak ko-Whaaaaaaaaaaa!!!

No way! Hoy! Ikaw! Wag kang magimagine ng kung ano ano ah?!

K-Kung hindi lang talaga s-siya babae ay n-nasapak ko na! Tama yun ang sasabihin ko!

"Tama...Tama...Yun nga...Tama.." pinunasan ko yung mukha ko at lalabas na sana ng banyo-

O_O

"Sinong kausap mo jan?" tanong ni Swami. Nanlaki naman mata kong nakatingin sakanya, kinabahan naman ako bigla.

"W-Wala!" nauutal ko pang sabi. Kanina pa kaya siya jan? Kaasar ni hindi ko napansing gising na pala siya!

"Okay." sabi niya at nilagpasan ako at kinuha yung toothbrush niya.

Ang problema nito? May period ba siya? Baka bad mood lang?

Pero impossible dahil using Swami? Mababad mood? Ang kulit kaya niya!

"Tsk! Kadiri ka! Alam mo bang tumulo yung laway mo sa pisngi ko? Hindi ka siguro nagtoothbrush kagabi!" sabi ko sakanya.

Masama niya naman akong tiningnan, "Don't talk to me! Nagtatampo ako sayo!" sigaw niya sakin at tinulak ako palabas ng banyo.

"Alis! Lumayas ka! Ang bad mo!" taboy niya pa sakin. Nagulat naman ako sa ginawa niya dahil ineexpect kong tatawanan niya ako at lalambingin katulad ng lagi niyang ginagawa. Pero ngayon pinagtatabuyan niya ako?!

Aba! Ang kapal?! Dahil ba kagabi? Ang kapal naman ng mukha! Ako nga 'tong pinatulog sa sahig tapos siya galit?!

"Tsk! Edi hindi kita kakausapin bahala ka jan!" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Nasalubong ko naman si Aling Joyce na kakalabas lang ng kusina.

"Oh! Magandang umaga Hijo, sakto tatawagin ko na sana kayo ng asawa mo. Buti naman at gising na kayo, sabay sabay na tayong mag almusal." nakangiting bati ni Aling Joyce.

One Week With HER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon