OWWH 23

336 24 12
                                        

Pambawi.

Swami's POV

(Mabalik ng slight)

Namimili kami ngayon ni Mickey ko ng mga souvenir.

Ngumuso ako, kasi naman eh yung pusit!

Baka multuhin ako kasi hinawakan ko siya!! Diba sabi ni Mickey ko patay na daw yun?

Huhuhuhu ang sama kasi nila eh!

Tumingin ako kay mickey, nakangiti syang nakatingin sa mga keychains.

Mas lalo naman akong ngumuso. Tch! Tapon ko lahat ng keychain dito eh!

Nilibot ko yung tingin sa paligid...napahinto ako ng tingin sa isang mukha....

Mukha na ilang araw ko naring hindi nakita.

Napaatras ako nang ngumisi siya sakin. Umiwas agad ako ng tingin. Anong ginagawa niya dito??

Tumingin ako kay Kyros.

"Mickey CR lang ako ah." paalam ko, tumango naman siya.

Agad akong umalis at hinanap siya. Nasaan na yung lalaking yun?

Nagulat naman ako ng may humila sakin.

"Whaaa!!! Wag po bata pa po ako!" tinakpan ko naman yung mukha ko. Narinig ko namang natawa yung humila sakin. Agad ko namang tiningnan siya.

"You're still you." sabi niya at lumapit sakin, "Na miss kita." dagdag niya pa sabay yakap sakin. Napapikit naman ako.

Zico...

"Namiss din kita." humiwalay na ako sa yakap.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Bibili din ba siya ng pusit??

"Nothing..." umiwas siya ng tingin sakin.

"Hindi nga?" tanong ko ulit. Tumingin naman siya sakin at umiling. Eh?

"Tara na nga!" hinawakan niya naman yung kamay ko at hihilain na sana kaso hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko.

"Huh? Tara na? Sasama ka sakin?" takang tanong ko. Binitawan niya naman yung kamah ko at humarap sakin.

"Obvious ba? Pwede naman akong sumama diba?" sabi niya habang nakatitig sa mata ko. Ngayon, ako naman ang umiwas ng tingin. Bakit ba kasi nandito 'to?

"Ayoko!" lalakad na sana ako kaso hinawakan niya ako sa braso.

"Hinde! Sama mo na ako....please?" nagpapacute niyang sabi.

Whaaa!! No! No! Ayoko kahit mukha siyang asong cute ayoko! Psh!

"Please??" ulit nya pa. Ngumuso naman ako, madaya! Cute eh.

Isasama ko ba sya? Baka kasi si mickey ko magselos...

Ay! Magseselos ba yun? Huh! Hindi ata eh! Hindi naman kasi ako mahal nun. Hayss.

"Sige payag na ako!" masigla kong sabi. "What? Payag ka na?" paninigurado nya. Tumango naman ako.

"Uhuh! Pero sa isang kondisyon!" tumango tango naman ako at nagcross arms.

"Anong kondisyon yan?" kunot noo niyang tanong.

Umayos naman ako ng tayo at biglang pinagdikit yung dalawang palad ko.

"Tulungan mo akong kidnapin yung mga pusit mamaya!!" sabi ko sabay puppy eyes.

Nagulat naman ako ng tumawa siya. Eh? Bakit siya tumatawa? Kikidnapin lang naman yung pusit ah!

Anong masama dun? Hehe kapag si kag mickey ko sinabi papagalitan lang ako eh...hehe. Kaya kay Zico na lang!

One Week With HER (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon