Wednesday 5:39 pm.
Nakatayo kami ngayon ni Swami sa harap ng hotel at hinihintay yung kotse ni Sabel, tinawagan ko kasi siya.
"Mickey...sino yung Sabel na sinasabi mo kanina?" tanong niya ulit sakin, "Sabel, kinakapatid ko Swami okay? Pangatlo mo ng tanong yan makulit!"
Sabi ko at tumingin sa wristwatch ko, 5:40 pm. Putcha, gagabihin kami nito eh! Lintek kasi tong si Swami nakipaghabulan pa!
"Ang tagal naman nung Sabel! Mag gagabi na oh! Kanina pa kaya tay--"
"Anong kanina pa? Baliw ka na? Eh dahil nga sayo kung bakit gagabihin tayo eh! Nakipaghabulan ka pero halos yung buong hotel nalibot na natin!" sabi ko, kumunot naman noo niya.
"Teka...diba pala Mickey hinabol mo ako? Nasaan na yung mga mga maleta natin?" tarantang sabi niya at hawak sa braso ko. Ngumuso naman ako sa likod niya, nung pagkatapos niya kasing makipaghabulan pinakuha ko sa receptionist yung mga gamit namin.
Lumingon naman siya at bigla na lang nagtatatalon.
"Whaaaaaa!!! Mickey!!!" talon niya sabay alog sakin, "What?!"
"Sabi sayo eh!! Wag mong konsintihen yung mga maleta eh!!! Tingnan mo ngayon! Naglakad na sila mag isa nila!! Whaaaa!!" talon niya sabay lapit sa mga maleta namin.
What the? Hanggang ngayon inaakala niya paring naglalakad yung mga maleta??
"Good naman pala kayo eh! Pagpatuloy niyo lang! Mamaya ah? Kayo na bahala sa mga sarili niyo!" sabi niya at may tapik tapik pa sa maleta habang tumatango. Na buang na.
Napailing nalang akong nagpipigil ng tawa na lumapit sakanya, "Swami stop being paranoid, hindi ka naman kakausapin ng maleta." sabi ko at tinayo siya. Baliw eh niyakap yakap yung maleta. "Eh kasi naman mickey eh! Malay mo naman maglakad yung maleta?"
Pinitik ko yung noo niya, "Stupid, hindi yan maglalakad. Pinakuha ko yan kanina pagkatapos mong makipaghabulan kaya yan nanjan." paliwanag ko. Ngumiti naman siya "Why?" tanong ko, makatitig kasi.
Bigla naman siyang nag make face na parang sugpo, natawa naman ako sa ginawa niya. Ginulo ko yung buhok niya pero hinawakan niya yung wrist ko.
"Makakaya mo ba kapag nawala ako...." bigla niyang sabi. Huh? Nawala? Ano baliw nanaman siya?
"What?"
Ngumiti siya at umiling, "Ako kasi hindi ko kaya pagnawala ka..." sabi niya, at binitawan yung wrist ko.
Tumalikod na siya sakin pero pinaharap ko ulit siya. "Who told you na mawawala ka? Besides hindi naman ako papayag kung ganon." tiningnan niya naman ako sa mata sabay sundot sa tagiliran ko. "Ayiee!! Mickey naman babanat ka nanaman? Pasimple ka pa eh! Pwede mo naman sabihing 'Mahal na kita Swami' paligoy ligoy ka pa eh! Mag I I love you too naman ako! Ayiee!!!" asar niya at sundot ulit sa tagiliran ko. Hinawakan ko naman kamay niya para tumigil.
Wala naman akong kiliti eh! Assumera to! S-Sinong nagsabi na mahal mahal na yan?! Tch!
"I Love you Mickey ko!"
"Wow sweet naman!" napatingin kami sa nagsalitang si Sabel na naka cross arms pa, "Oh? Buti na dumating ka pa." lumapit naman ako sakanya, Tumingin siya sa likod ko at she mouthed at me "Yung asawa mo?" tumango naman ako.
Ngumiti ng malaki si Sabel, "Hi! I'm Allymara Sabel Gustavi and you are?" lahad niya ng kamay kay Swami, "Swami, Swami Ganias." abot naman ni Swami sa kamay ni Sabel.

BINABASA MO ANG
One Week With HER (On Going)
Teen FictionIsang linggong kasama siya. Was it a Happy ever after? or It was a Happy Never after? "We never had an ending."