Tuesday 1:00 pm.
"Tara na! Mickey dali! Bibili tayo ng mga damit! Sige na!"
Hinihila ako ni Swami patayo, pero hindi ako patinag at sinamaan lang siya ng tingin. Aba nakakaasar siya!
Nanghingi pa talaga ng pera sa Papa ko. Hindi pa siya nahiya!
"Ayoko! Umayos ka! Balik mo yung peea kay Papa!" sigaw ko sakanya. Ngumuso naman siya "Tanga Mickey, nasa credit card mo na daw yung pera! Hindi ko pina cash!"
Wow! wow ah! Credit card talaga? Nahiya pang 'i cash eh!
"Tch, ang baliw mo talaga!" sigaw ko dito at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko. Umupo naman si Swami sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh? Bakit Kyros?? Ganyan ka maka tingin?" sabi niya habang binabund yung buhok niya.
"Ano jan ka na lang habang buhay?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano? Dito? Sa higaan? Halaaaa!! Mickey dito na ako habang buhay? Hmmmm.....pwede na rin, tutal papalagay na lang ako ng arinola dito sa higaan at ref para naman may gamit ako habang buhay...ahh tapos sayo ko na lang ipapasuyo pag bibili na ng pagkain tapos itatapon yung laman ng arinola." sabi niya habang pa tango tango pa. Nanlaki naman ang mata ko. Aba itong babaeng to!
"Argghh!! Bakit ba may Swami Laine Ganias sa mundong ito?!" frustrated kong sigaw. Tumayo naman si Swami at tiningnan ako sa mata.
"Kasi may Kyros Vhi Estevan sa mundong 'to." sabi niya at kinindatan pa ako. Aba! Bumabanat siya ah! Umiwas naman ako ng tingin. "Tara na nga!" sabi ko at lumabas na ng kwarto.
Shit! Yung ngiti ko hindi ko mapigilan! Arghh!
------Sa mall 1:39pm.
Simula kaninang pagdating namin sa mall puro lakad lang yung nagawa namin. Habang si Swami ay naka ngumuso lang.
"Ano na? Maglalakad na lang ba tayo?" tumingin siya sakin at ngumuso pa lalo.
"Ahh...mickey, saan ba pwede? hindi ko kasi alam kung saan eh..heheje.." napa facepalm ako. Hay nako.
"Dapat kanina mo pa sinabi. Edi sana nakabili na tayo!" sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya at hinila papunta sa isang boutique.
"Choose." sabi ko at agad naman siyang pumili ng damit.
Umupo ako sa sofa na naroon sa loob ng boutique. Inilibot ko yung tingin sa paligad. One dress caught my attention. Red shaded of white simple sleeve dress. Lumapit ako at kinuha ang nakasabit don.
"Oh, sukat mo." lahat ko ng dress kay Swami ng makalapit ako sakanya.
"Ano 'to?" tanong niya, "Basahan yan Swami, basahan." sabi ko.
"Ano basahan? Naku bat ang mahal? 2,999 peso?! Ang gandang basahan naman niyan!" napa irap na lang ako. Ngayon ko lang naalala isang Swami pala ang kasama ko.
"Tsss, tungaw damit yan! Sukatin mo!" sabi ko at tinulak siya papuntang fitting room.
Pumasok naman siya ng fitting room, bumalik ako sa pagkakaupo ko kanina. Next time nga iwasan ko ng pilosopohin si Swami nabubuang siya pag ganon eh.
Nagulaf naman ako ng may babaeng tumabi sakin.
"Hi!" bati niya, hindi ko naman siya tiningnan. "Aww..to bad, hindi ako pinapansin ni Kyros."
Dahil sa pagkabanggit niya ng pangalan ko tumingin ako sakanya.
Nanlaki yung mata ko, "Samara??" dun ko lang siya nakilala.
"Yun naalala mo na rin ako! Long time no see!" bati niya at hinampas ako sa balikat. Brutal nito!
"Kailan ka pa nahilig sa mga boutique's?" tanong ko, hindi naman kasi siya ma shopping na babae.
"Tss, napilitan lang akong samahan sila Zion dito. Nanjan lang yan sa tabi tabi."
Natawa naman ako ng mag make face siya.
(A: Okay pa bonus/pangbawe)
Pansamantalang Swami's POV
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa fitting room, humawak ako sa pader na naroon.
Maka tulak naman kasi si Mickey ko eh! Ang dami ko kayang dalang damit!
Oh so, ayun nga. Sinukat ko na yung dress na pinapasukat niya saakin. Ayieee!! Kaya siguro itong dress yung pinasukat niya saakin kasi ang ganda ng dress parang ako!!
Hehehe....Hello sainyo! Eto na ako! Jan lang kayo! Dito lang me!
Biglang bumukas yung pintuan, at dahil dun nabato ko yung hanger sa mukha niya. Pumasok na siya ng tuluyan sa loob nitong fitting room. Whaaaa!!! Mickey!!
Bashtosh tong lalaking to!
"Miss! Out!" binato ko naman siya ng isa pang hanger. "Out!!" sigaw niya, kumunot naman noo ko out? diba dapat ouch? kasi binato ko siya ng hanger? nakoooooo!!! ngongo si kuya!!
"Kuya Ouch yun! O-u-c-h." sabi ko at inispell sakanya. Malay mo naman makatulong ako sa mga katulàd niyang ngongo.
"I said Get Out!" sigaw niya, napailing ako wala ng pag asa...ngo ngo na talaga siya out parin eh!
"Hay nako kuya, inispell ko na nga eh..tsk tsk tsk." sabi ko at tinap yung back niya. Kumunot naman noo niya, nag wave na lanv ako as babye tapos lumabs na ng fitting room suot yung dress.
Excited akong naglalakad papunta sa pwesto ni Mickey ko. Kaso...napahinto ako sa paglalakad...si Mickey ko...may kasamang babae at tumatawa siya!!!
Huhuhu!!! Pano niya nagawa sakin to? Nagsukat lang ako ng damit nangabit na siya! Huhuhuh!!! Ang sama ni mickey!
Naluluha na ako pero pinunasan ko yung mata ko. Hindi dapat ako iiyak! Mamaya na lang!
Lumapit ako kay Kyros at hinagis ko sakanya yung mga damit na dala ko. Kainis! Ang bigat kaya ng mga damit!
(A:Okay tama na, sobra na kay Swami, balik na tayo kay Kyros. Whahahaha!!)
Kyros POV
Nagulat na lang ako ng may mga damit na lumipad papunta sakin. Napatingin ako kay Swami, tinarayan niya naman ako at kumuha ng kung ano anong gamit sa boutique. Aba! Ang dami niya namang bibilhin!
"Ky...sino yun?" tamong ni Samara sakin. Ngumiti ako.
"Asawa ko, sige Sam. Una na ako." sabi ko at sinundan si Swami.
"Swami." tawag ko sakanya. Tinarayan niya lang ako. Hala! Anong nagawa ko?
To be continue....

BINABASA MO ANG
One Week With HER (On Going)
Fiksi RemajaIsang linggong kasama siya. Was it a Happy ever after? or It was a Happy Never after? "We never had an ending."