Thursday 4:47pm.
Kyros POV
"Mickeyyy!!!"
Napapitlag ako sa pagkakaupo ko ng bigla nanaman akong alugin ni Swami.
"Sige na kasi!! Pumayag na kayo!" sigaw ulit ni Swami.
Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. Ang ingay ingay niya! Nasa kainan kaya kami.
"Bakit kasi ayaw niyo sumama dun sa Maginoo Universe??" tanong niya pa bago sumubo ng kanin.
You heard it right. Itong babaeng to ay gusto kaming isali sa pageant na nabasa niya kanina.
"Tss, just eat." singkit matang sabi nung Zico.
Ngumuso naman si Swami, malamyang nakasimangot na binaba nya yung kutsara at tinidor na hawak nya. Sinuot niya naman yung hood ng jacket nya.
"Ganyan naman kayo eh....minsan lang ako humingi ng pabor...*sniff* pero kung ayaw nyo naman hindi ko kayo pipilitin...ayaw nyo eh..baka sabihin niyo napaka selfish ko masyado..kahit hindi ako isda! Minahal ko naman kayo pero hindi nyo talaga kayang pagbigyan ako na sumali sa Maginoo Universe na yun, sige ganyan na kayo magkalimuta na.." akmang tatayo si Swami ng sabay naming nahila ni Zico yung magkabilang kamay niya. Dahilan para mapaupo ulit si Swami.
"Ano ba! Magkalimutan na nga eh!"
Naasar naman akong tumingin sakanya...naalala ko yung sinabi niya. 'Minahal ko naman KAYO..'
So, minahal niya rin yang panget na Zico? Putcha kaurat ah. Asawa niya ako tapos magmamahal siya ng iba? ASAWA niya ako--
Shit! Why i sound like something shitty? Tch!
"Upo, Swami." utos ko umupo naman siya. Lalo niya namang pinaloob yung ulo niya sa hood ng jacket niya.
"Ubusin mo yang pagkain mo--"
"Ayoko na kumain nawalan na ako ng gana." bigla nyang singit sa sinasabi ko. Tsk!
"Swa--"
"Stop acting like a kid." napatingin naman ako kay Zico na pinitik yung noo ni Swami.
"And who told you I'm not joining into that Maginoo Crap. I'll join." sabi niya habang tinatanggal yung hood sa ulo ni Swami.
Tsss, nandito pa ako Zico wag kang ano. Magkakablack eye na talaga to eh, konti na lang.
"Swam--"
"HINDI NGA ZICO? SASALI KA? OHMYGHAD!!" tili ni Swami at niyakap yakap si Zico.
Naningkit yung mata ko. So wala na silang balak na pagsalitain ako?
Maharot din tong babaeng to eh, sabunutan ko na to!
"Ikaw mickey? Sasali ka na din ba?" tumingin siya sakin, hindi ko naman siya pinansin. Don't mickey mickey me huh!
Magsama kayo ng Zico mo!
"Sungit!"
"Zico, sure ka bang sasali ka??" lumapit si Swami kay Zico na katapat ko.
"Oo, sasali ako kasi gusto mo. Kahit ayaw ko I'll try if that can make you happy." saad ni Zico.
Tch! Sinamaan ko siya ng tingin. I'll buried him into the deepest part of the earth.
"Zico--"
"Shut up Swami. Nakapagdesisyon na ako." pinutol ko na yung sasabihin niya.
"Swami--"
"Walang magtanong sayo mickey! Kung ayaw mo naman okay lang hehehe sasama naman na si Zico eh." biglang sabi niya na ikinakurap ng mata ko ng ilang beses.
Fuck? Napilosopo na ako tapos ZICO nanaman?
"K." matipid na sagot ko.
Wala naman akong karapatan bakit ako magkakagento? Tss. Bahala na sila sa buhay nila.
-
Natapos na kaming kumain ng mapagdisisyonan na naming umuwi dahil hapon na. Kinuha ko naman yung dalawang supot na nabili namin..
"Mickey!!!" lumapit sakin si Swami at inangkla yung kamay niya sa braso ko.
"Oh?" punagpatuloy ko lang yung paglalakad palabas ng restaurant.
Bahala siya jan. Mag sama sila ng Zico niya.
"Mickey uy!"
"Mikeeeyy!!"
"Kyros!"
"Hoy ano ba Kyros yung bill natin bayaran mo muna!!!" napahinto ako sa pag lalakad dahil sa sinabi ni Swami.
Dahan dahan akong lumingon with matching death glare.
Ang kapal talaga ng mukha.
Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng pera, walang emosyong nilapag ko yun sa lamesa at tuluyan ng lumabas ng resto.
This set up is sucks. Bakit ba kasi dumating pa yung Zico na yun.
Swami's POV
Napakunot yung noo ko sa inasal ni Kyros ngayon. Bakit parang ang cold niya?
Tiningnan ko naman yung pera na nilapag niya sa lamesa.
"Hala! Ayos tong si Kyros ah! Isang libo lang?!" kinuha ko naman yung pera.
Alam niya ba kung saan mararating neto?? Eh kulang pa kaya ng Isang libo to!
"Mickey kulang yung binigay mo!!" sigaw ko at akmang hahabulin siya ng hawakan ni Zico yung wrist ko.
"Don't." deretsang sabi niya habang naka tingin sa mata ko.
Napahinto ako at tumingin sa mata niya.
"Sorry...ikaw na lang muna magdagdag babayaran ko na lang sayo."
Napansin ko namang lumuwag ang hawak niya sa wrist ko.
"Thank you..."
Sabi ko at mabilis na lumabas ng resto.
Sorry Zico, sorry.
Luminga linga ako pagkalabas ko sa resto. Nasaan na yung daga na yun? Teka! Mukha bang daga si Mickey? Eh?
-Kyros POV
Tuloy tuloy yung paglakad ko palayo ng resto.
Nakakaasar ah! Hindi man lang ako hinabol bwiset. Medyo madilim na dahil anong oras na rin, at medyo matagal tagal nadin akong naglslakad.
Bahala siya umuwi mag isa mag pahatid siya sa Zico niya-
Napshinto ako sa paglalakad ng may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na babae na nakahiga sa kalsada...
Nanlaki ang mata ko at kumaripas ng takbo ng tuluyan ko ng makilala ang babaeng naka higa.
Shit...
"Swami!!!"
-----
a/n: yown naka pag update din....hehehe sorry for the long wait Babawi po ako since bakasyooon na at tapos na ang trabaho ko sa school hehe.
Sorry po ulit miss na kayo nila Kyros at Swami ^_^
-®
BINABASA MO ANG
One Week With HER (On Going)
Teen FictionIsang linggong kasama siya. Was it a Happy ever after? or It was a Happy Never after? "We never had an ending."