OWWH 9

281 27 1
                                        


Nakasunod lang ako kay Swami habang namimili siya ng mga damit. Nakabusangot ko siyang tiningnan ng ilagay niya yung damit na napili niya sa kabundok na mga damit na hawak ko ngayon. Tinarayan niya lang ako.

Aba itong babaeng to! Ang dami ko na kayang hawak! Ang bigat kaya!

"Swami problema mo?" tanong ko, kqnina niya pa kasi ako hindi pinapansin. Hindi ako sanay na ganyan siya, nasanay na akong maingay siya. Pero...ang sama niya maka tingin!

"Huy! Swami! Ang dami mo ng dinadampot ah!" bulyaw ko sakanya. Tiningnan niya lang ako at dertsong naglakad sa counter. Sumunod naman ako.

Nilapag ko yung mga damit sa counter basket. Chinek naman ng babae yung mga damit.

Kinalabit ko si Swami, "Uy...Swami..may nagawa ba ako?" tanong ko, hindi niya ako pinansin.

"Sir, 19,430 pesos. All plus 2,999. 22,431 thousand po lahat." sabi ng babae. Nanlaki yung mata ko. 22 plus? ganon kamahal?

"Hoy Swami walang hiya ka!" sigaw ko sakanya. "Anong gagawin ko dito?" sabi ko pa.

"Edi bayaran mo, nasayo yung pera eh." sabi niya at iniwan ako na loob ng boutique ng nakanganga. Seriously?

Wala akong choice kung hindi bayaran iyon. Palabas na ako ng boutique ng napansin kong suot ni Swami yung dress na binili ko. Oo bakit binili ko!

Nakatingin lang ako sakanya, bagay nga yung damit sakanya. Naglakad naman ako papalapit sakanya.

Kaso....tangna! Bakit ba pag nasa mall kami may lumalapit na lalaki kay Swami?!

At si Swami nakangiti pa talaga ah? Wow.

Mabilis akong lumapit sakanila at kinalad kad si Swami, papuntang parking lot.

"Hoy Kyros! Bitaw!" binitawan ko naman siya.Nilagay ko yung mga pinamili niya sa loob ng kotse.

"Hoy! Kyros! Kinakausap kita bakit mo ginawa iyon?!" sigaw niya sakin. Aba! Nagtanong pa.

"Bakit nakikipagusap ka sa ibang lalaking hindi mo kilala?! Maka ngiti ka pa!" kumunot naman noo niya.

"Aba! Ikaw nga nakikipagtawanan sa babaeng yun! porket mas maganda siya! Nagsukat lang ako pinagpalit mo na ako! Siguro tinatawag mo rin siyang minnie! nakakaasar ka! Makatawa ka sa harap ng babaeng yon! Sige dun ka na!"

Pagkatapos niyang sabihin yun nakatingin lang ako sakanya. Bigla naman siyang umiyak.

"S-Sige d-dun ka na...t-tutal n-napapasaya ka niya...d-dun ka na sa original m-minnie mo.." sabi niya habang humihikbi.

Napangiti naman ako, lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Tsss, Sino nagsabing pinagpalit kita? Ikaw lang ang Minnie ko, wag ka ng magselos. Di naman kita pagpapalit dun." sabi ko at hinimas yung buhok niya.

"T-Talaga??" Tumingin siya sakin ng parang bata, tumango naman ako. Natawa na lang ako, kaya pala siya nagsusungit kanina. Sus Selos lang pala!

"Mickey! Nagugutom na ako.." sabi niya habang nakanguso.

"Tara balik tayo sa loob."

"Ayoko." sabi niya at hinila ako palabas ng parking saaan naman ako dadalhin nito?

-----3:04pm.

"Dito tayo kakain mickey!" masiglang sabi niya, napatingin naman ako at nanlaki ang mata.

"S-Street foods??" tumango siya, no way!!!!!!!! Ayokoooo!!!

"A-Ayoko!!! Swami naman sa iba na lang!" pilit ko sakanya. Hinila niya naman ako sa tapat ng isang nagbabarbeque. Kumuha siya ng parang snake yung itsura tapos may sinawsawan siya.

One Week With HER (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon