OWWH 16

294 26 0
                                    


A/N: Hello!!!!!! Hahaha..ehem!

So guys! This chapter and also the following chaps. The places, names, and facilities your going to read is work of your crazy  author imagination na gumawa ng sariling Baguio niya XD

So guys! Notice this! Baka magtaka eh ^ _ ^

Shalamat!! Belated Merry Christmas chinguss!! ^_^v

------

Wednesday 7:19pm.

"Swami wag ka ngang tumakbo!" saway ko sakanya pero baliw ata talaga to at mas lalo pang tumakbo ng mabilis papasok sa loob ng...tiningnan ko yung pangalan nung place...Blue Newland?

Pumasok na rin ako sa loob.

"Mickey bilisan mo!" hinila niya ako at bigla ring binitawan. Aba hinawak hawakan ang kamay kong makinis tapos bibitawan na lang? Huh!

"Swami umayos ka nga! Masyadong hyper eh!" hindi niya ako pinansin at nagtatatakbo si Swami kung saan saan. Sumunod naman ako sakanya. Dumeretso naman siya sa kabayo???

"Anong gagwin mo diyan sa kabayo??" tanong ko at lumapit sakanya.

"Eh? Malamang sasakay ako jan mickey! At isa pa kabayo? Mali ka!" napakunot naman noo ko sa sinabi niya. Hindi kabayo?

"Eh ano?" tanong ko, lumapit naman siya sa bilihan ng ticket kaya sumunod ako.

"Ang tanga mo talaga ka tingnan mo.." turo niya sa mga kabayo, tumingin naman ako. "Hindi sila basta kabayo...KABAYONG GUMAGALAW SILA! Tingnan mo gumalaw sila! Diba?" sabi niya...

Teka...tama pala siya no? Gumagalaw nga..eh kabayo sila..tsk tsk tsk. Di ko naisip agad yun ah?

"Ang galing mo rin pala minsan no?" sabi ko,"Ako pa ba?" sabi niya at tinaas ang kamay para makipag apir.

Tinaas ko rin ang kamay ko at.....pinitik ko siya sa noo.

"Aray naman! Mickey bakit mo pinitik noo ko?!" sigaw niya sakin.

"Vovo! Anong kabayong gumagalaw? Eh carrousel yan!" iling iling ko na sabi. Buang talaga to akala ko icocorrect niya na ako eh.

Ngumuso naman siya, "Mickey ang tanga mo naman! Dapat kanina mo pa sinabi! Para nakasakay na tayo! Atsaka ikaw kaya nagsabi ng kabayo kaya ikaw yung vovo!" maktol niya, tinawanan ko na lang siya.

"Sakay na tayo may ticket na ako oh!" msigla niyang sabi. What? Jan sa carrousel?

"What? No way!" tanggi ko. There's no way i will ride that carrousel!

"Sige na! Ang kj mo naman! Kung ayaw mo, ako na lang!" sabi niya at naglakad na, pinigilan ko naman siya.

"S-Sasakay ka talaga jan? Tingnan mo naman Swami puro bata yung nakasakay!" turo ko sa mga batang nakasakay sa mga kabayo.

"Bakit? Anong masama dun??"

Ano nga bang masama? May mga matatanda parin namang sumasakay sa carousel. Pero kasi...hayss!!

"Sige sumakay ka na! Dito lang ako hintayin na lang kita." sabi ko tsaka siya mahinang tinulak.

"Whaaa!! I love you mickey!!" sigaw niya kaya naman may mga ilang tumingin samin.

One Week With HER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon