Monday 2:00pm
Naka poker face akong naghihitay kay Swami dito sa sala. Pupunta kami sa mall mamimili kami ng mga damit niya.
Tanga ba naman kasi niya! Wala ba siyang mga damit?!
Madami pa akong hindi alam tungkol kay Swami. Tanongin ko nga mamaya? sige sige.
Tss..antagal niya ah!
Umakyat na ako sa kwarto ko. Ang tagal naman ng babaeng yun! Pagkapasok ko sa kwarto ko sakto namang kalalabas lang ni Swami.
"Hoy babae! Ang tagal mo tara na!" sabi ko at tinalikuran siya.
Napahinto ako sa paglalakad.
Teka....
Bigla akong humarap ulit sakanya. Kaya naman bumangga yung ulo niya sa dib dib ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mickey?"
"Pano ka nakapagbihis?!" hinawakan ko yung balikat niya at inikot. "Saan lupalop ng mars ka nakahap ng damit?"
"Ha? May mga damit ba sa mars? Malayo yun diba? hehe...hindi ako sa mars nakakuha ng damit, sa closet mo! Ang tanga mo naman! Di mo ba napansin yung tshirt na suot ko?? sayo kaya to. Tapos itong short binigay ni Rian kasi daw hindi niya naman nagamit tapos yung pant--"
"Oo na! Oo na!" pinutol ka na sasabihin niya. Ang daldal nanaman niya eh! Baka may masabi lang siya na di kaayaaya.
"Okay na? hehe malaki kasi yung tshirt mo kaya tinak in ko. Tapos nga pala yung underw--"
"Oo na nga! Ang kulit mo Swami!" Tch. May balak pa talagang ituloy eh!
Bumaba na kami. Sakto namang nasa salas si Rian kasama yung Mga kaibigan niya at Boyfriend. Tsss.
"Kuya alis na kami ah?!" sabi ni Rian at hinalikan ako sa pisngi. Tumango ako.
"Alagaan mo tong kapatid ko Graig." sabi ko at tinanguan niya naman ako.
"Kuya!" saway sakin ni Rian. Nagkibit balikat ako. Pagkatapos kaming batiin ng mga kaibigan ni Rian ay umalis na sila.
"Boyfriend ng kapatid mo yun??" tanong sakin ni Swami ng palabas na kami.
"Hindi, kapatid niya yun Swami. Kapatid niya." pamimilosopo ko. Hunminta naman si Swami Sa pagbaba ng hagdan.
"Ano?! Kapatid niya yun?! Bakit wala siya kanina nung nag almusal tayo?? Bakit ang sweet nila? sabagay may magkapatid namang sweet. May nakikita nga akong ganon eh. Normal lang yun kasi Sa iisang bahay sil--"
"Swami hindi niya kapatid yun. Boyfriend ni Rian yon. -_-" sinabi ko na ang daldal nanaman eh!
"Ay? Bakit mo sinabing kapatid niyo? Naku Mickey malala ka na!" napa double facepalm ako. Ako pa talaga malala ah?
"Swami pwede b--" napatigil ako sa pagsasalita.
Parang dahan dahan yung pangyayari. Nakita kong nalaglag si Swami sa maiksing hagdan sa harap ng pinto namin. Ngayon nakaupo na siya sa lapag.
"Shit! Swami!" agad akong lumapit sakanya at dahan dahan siyang inalalayan.
"M-Mickey...bakit hindi mo ako nasalo??" mapungay niyang matang sabi. Shit!
"Sasaluhin naman dapat kita nahuli lang ako. Swami...teka! Gising uy! Swami!"
Natataranta ako dahil bigla na lang pumikit si Swami. Tangna! Agad ko naman siyang binuhat.
"Manong labas niyo yung kotse!" sigaw ko.
"A-ayoko sa ospital mickey...please ayoko..."
Napatingin ako kay Swami nakadilat na siya. Pinilit niyang kumawala at tumayo.

BINABASA MO ANG
One Week With HER (On Going)
Teen FictionIsang linggong kasama siya. Was it a Happy ever after? or It was a Happy Never after? "We never had an ending."