Monday 8:27am."Mickey wag ka ngang palakad lakad jan! nahihilo ako sayo eh!" sigaw sakin ni Swami. Siya pa talaga nahilo ah?
"Ano ka ba Swami! Kung nahihilo ka lumayas ka!" sabi ko at sinuklay ang buhok ko gamit ng kamay.
"Hala! sinong nagsabi na nahihilo ako? hindi kaya mickey promise!" sabi niya at tinaas pa yung kanang kamay, tss.
Kinakabahan akong bumaba. Anong sasabihin ko sakanila? eh kanina ko lang naman nakilala tong babaeng to? pucha pahirap ah!
Nakakatakot pa naman si papa! masyado pa naman yung seryoso!
"Mickey alam mo--"
"Bakit ba tawag ka ng tawag ng mickey?" tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? masama bang tawaging mickey yung asawa ko?"
Umiwas ako ng tingin, tch.
"Alam mo hindi kita asawa. Sing sing lang to, pero hindi tayo mag asawa Swami hindi tayo kasal." tiningnan ko naman siya, nawala yung ngiti niya at umiwas ng tingin. Huh?
Bigla naman siyang ngumiti, "Problema ba yon? Edi magpakasal tayo!" sabi naman niya. Huwat?!
"Nababaliw ka na--"
"Kuya!!! open this door rigth know!!" nagulantang kami ng may malakas na sigaw galing sa pinto.
Whaa!! yung abnormal kong kapatid!!
"Kuya Kyros! i said open this door!" kumatok naman siya. Hala!!! buksan ko ba??
"Mickey..yung kapatid mo, buksan mo ng pinto uy!" tinulak naman ako ni Swami.
Tss. May choice ba ako?
Pumunta ako sa pinto at binuksan iyon. Agad namang pumasok si Rian sa kwarto ko. Aba bastos to ah! Joke!
"Kuya pinapatawag na kayo nila papa sa dinning." sabi niya at umupo sa kama. Tiningnan naman siya ni Swami.
"Oo sabi--"
"Ay ate Swami!!! gising ka na pala! tara na baba ka na iwan na natin si kuya dito!" sabi ni Rian at agad na hinila si Swami bago pa ito makapag salita.
Anong nangyayari sa dito?! Di pa naman sila magkakilala ah!
Kinakabahan akong naglalakad papasok sa dinning...
Ano kaya sasabihin ko kay papa? na naguwi ako ng babae dito? Eh kasi naman!
Tuluyan na akong pumasok sa loob. Nakita ko namang nakaupo na sila...hoo confidence confidence!
"Ma, Pa." napalingon sila sakin. Lumapit naman ako at nagmano.
"Oh Kyros!" -Mama.
"Mickey dito ka oh." malaking ngiti na sabi ni Swami. Pumunta naman ako sa tabi niya at umupo.
"Uhmm...ma, pa--"
"Swami oh! tikman mo luto ko. Naku masarap yan kain ka na." sabi ni mama at abot ng pagkain kay Swami. Close ba sila?
"Naku po salamat! nagugutom narin po ako eh! thank you po tiata!" sabi niya at agad na nilantakan yung pagkain.
"Ate Swami! tulungan mo kami mamaya ni mama mag decorate ng bahay ah!" sabi ni Rian. Napahinto naman sa pagkain si Swami.
"Huh? Itong bahay idedecorate nating tatlo? Naku masama yan! ang laki ng bahay niyo madaming gastos at saka baka mapagod yung mama mo! sa laki ng bahay niyo baka abutin tayo ng isang buwan niyan! tapos na yung pasko pag ganon! baka--uhm!"
"Swami ang daldal mo!" sinubo ko naman yung tinapay sa bunga nga niya. Ang daldal! tumawa naman sila Mama at Rian.
"Hindi Swami, may mga tutulong sainyo." sabi ni papa. Kaya kumain na ulit kami.
Kinakabahan parin ako kasi hindi pa sila nagtatanong. At si Papa baka mamaya pagalitan na niya ako!
Dapat sabihin ko na talaga ngayon!
"Pa--"
"Tito! Alam niyo po parehas kayo ni Mickey ko!"
Pansin ko lang kanina pa nila ako hindi pinapatapos sa pagsasalita -_-
"Ate, pansin ko lang Mickey?"
"Ah..endearment namin yun Minnie naman tawag niya sakin. Diba Mickey??"
Napatingin naman ako sakanya. Huh?!
Pinanlakihan niya ako ng mata. "A-Ah Oo Minnie." sabi ko at saka ngumiti.
"Ang cute niyo!" palakpak ni Rian. Buang.
"So iyon nga po tito parehas kayo ni Kyros. Mana rin po siya sainyo!" ngusong sabi ni Swami.
Tumingin naman sakanya si Papa at pinakunutan ng noo si Swami! Magbehave ka nga Minnie!
"Bakit naman hija?"tanong ni papa....bakit ako yung kinakabahan? samantala si Swami naka ngti lang?!
"Kasi po parehas kayong masungit, hindi pala ngiti tapos po gwapo!" ngumuso naman siya.Nalaki ang mata namin nila mama at Rian.
What the?! Anong trip niya?!
Tumingin kami kay papa.
Bigla namang ngumiti si papa.
NGUMITI SI PAPA! AT DAHIL YON KAY SWAMI!
Hindi naman super big deal yan, pero minsan lang talaga ngumiti si papa more on serious mode siya.
"Gusto kita hija. Masyadong honest." sabi ni papa. what?!
"Gusto rin po kita tito, masyado ka pong honest." sabi ni Swami at natawa naman sila kasama si papa.
-----10:14am.
Nasa garden kami ngayon dahil nag sisimula na kaming mag decorate. Pina Cancel ni papa ang mga meeting niya at mamayang hapon na lang daw siya pupunta sa company.
"Mickey tara dun kila tita, tulong na tayo." hinila niya ako papunta sa table na naroon kung saan nandon sila mama.
Okay tamang chance na to.
Himawakan ko kamay ni Swami at ako naman ang humila sakanya papalapit kila mama.
Huminto ako. "Pa, Ma, Rian..." tawag ko sakanila. Lumingon naman silà.
"Eto nga pala si Swami. Asawa ko. Minnie mouse ng buhay ko. Sorry nga pala Ma, pa dahil hindi ko po nasabi agad sainyo. Ikaw naman babay girl, sorry kasi iniwan kita sa mall kagabi. Ma si Swami po--"
"Anak....hindi mo na kailangan sabihin na kuwento na samin ni Swami....laht."
Nanlaki ang mata ko. Lahat? ibig sabihin alam na nila na...
Whaaaa!!!! itatakwil na nila ako??
"Oo kuya kyros...we know already the real story."
Tumingin ako kay Swami. Ngumiti nàman siya sakin. "Hehehe...sorry mickey. Sinabi ko na eh." sani niya. Okay lang yun kila mama?
"Oo kyros. At alam na rin namin na buntis si Swami kaya kailangan mo siyang panagutan." sabi ni mama....
Ano?!!
Buntis?!
Whaaaa!!! Aasawa kanina tapos ngayon buntis naman?!!
What a life?!
Buntis eh wala ngang nangyari samin!!
Tumingin ako kay Swami. Ngumiti siya sakin.At hinalikan ako sa pisngi.
This girl is unbelievable!!

BINABASA MO ANG
One Week With HER (On Going)
Teen FictionIsang linggong kasama siya. Was it a Happy ever after? or It was a Happy Never after? "We never had an ending."